Chapter 34

17 1 0
                                    

Blake's P.O.V

Nakakainis naman! Bigla biglang nang iiwan 'yong babaeng 'yon! Aish!

"A-ahh B-blake, tara na.." Natauhan naman ako. Ngayon ko lang napansin na nakabili na pala siya ng ticket at nakaharang pa kami sa mga nakapila dito.

"S-sorry.." Paumanhin ko dun sa mga tao saka ko hinila si Elyza paalis dun. Mamaya pa mag-istart yung movie kaya mas maigi pang maglibot muna kami.

Actually hindi ako fan ng romantic movies kaso sila noona ang pumili eh, anong magagawa ko? Ang korni pa man din ng mga ganoong movies.

"S-saan tayo pupunta?" Kanina pa pala kami naglalakad, ano ba yan kanina pa pala ako wala sa huwisyo nakakahiya naman. Oo nakakahiya bakit kahit naman isang tulad kong gwapong nilalang ay nahihiya parin noh.

Ang weird nga eh kasi nauutal rin siya pagkausap niya ako, diba dapat ako lang? Hmm..tsaka bakit parang namumula ata siya? Napatingin naman ako sa kamay namin. Oh kaya pala. Tinanggal ko na yun kasi parang ang awkward rin sa feeling eh.

"T-tara na muna sa food court tutal lunch naman na.." Napapakamot pa ako sa batok ko.

"S-sige.." Aniya.

Pumunta na kami sa food court at naghanap ng mauupuan.

"Diyan ka lang ah? Ako na mag-oorder." Hindi naman siya makatingin ng deretso sakin. Yah! Noona look at me!

"O-okay.." Pumunta na ako sa counter at nag order ng food namin. Pagkatapos ay kinuha ko na yung pagkain namin saka dumeretso sakaniya.

"Kain na.." Nagulat ata siya sakin.

"A-ahh sige.." Kumain na kami pero hindi talaga ako mapakali eh! Kanina pa kasi siya hindi makatingin sakin.

"Nahihiya ka ba sakin?" Ayan tuloy natanong ko na tsk. Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"A-ano kasi..ano.."

"Ano?"

"W-wala.." Bawi niya bigla.

"Wala naman pala eh..please lang wag kang mahiya saakin noona dahil hindi ko lang maeenjoy 'tong birthday ko.." Nagpout pa ako, ngumiti naman siya kaya napangiti rin ako. Nakakainlove talaga yung ngiti niya hays. "Nakangiti na siya oh!"

"A-ako? Hindi ah!" Ang cute niya haha.

"Ngumiti ka kaya! Nakita ko yun!" Hindi ka na makakapagdeny pa haha kitang-kita yun ng napakaganda kong mata.

"Oo na ngumiti na ako!" Umirap pa 'to. Sa wakas hindi na siya nagstutter at may pairap pa siyang nalalaman ngayon ah! "Tsaka wag mo na akong tawaging noona nakaka gurang eh.."

"Ok kung yun ang gusto mo..Elyza." Ngumisi pa ako nung sinabi ko yun at namula ata siya. "Haha ang cute mo.."

"A-ano?" Hala nasabi ko ba yun?

'Sa utak ko lang dapat yun eh tsk!'

"A-ah wala..kumain ka na lang!" Yumuko nalang ako at kumain. Nakakainis naman 'tong bibig ko eh.

"Cute ka rin naman.." Pabulong niya yun sinabi pero narinig ko parin kaso hindi ko masyado naintindihan.

"H-ha?"

"A-anong ha? Wala naman akong sinasabi ah!" Depensa nito.

"Eh anong binubulong mo diyan?" Sigurado akong may sinabi siya eh!

"W-wala ka na dun!" Tumahimik nalang ako. Nag-assume lang ata ako na sinabi niyang cute ako, hayss.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon