Chapter 27

60 6 1
                                    

Blaire's P.O.V

Naglalakad na kami ngayon papunta sa isang milktea shop. And yes! Hindi ako makagalaw ng maayos dahil dun sa ginawa ni Ethan kanina. Takte lupa lamunin mo na ako! Now na huhu.

Pinagmamasdan ko yung rose na binigay niya sakin habang naglalakad kami at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Sinulyapan ko naman si Ethan para tignan kung napansin niya ba yung eksena ko kanina pero mukang hindi naman. Wooh! Buti nalang hindi niya nakita!

Pero teka..

Bakit niya nga naman ako bibigyan ng rose?

Hindi ko naman siya manliligaw or something ah? Aishhh! Tumigil ka nga Blaire! Wag kang mag assume! At bakit naman ako mag-aassume? Aishh!

Nabalik naman ako sa realidad nang bigla siyang nagsalita.

"Ahh B-blaire..anong gusto mong iorder ko sayo?" Tanong niya na napapakamot pa sa batok niya. Aww why so cute Ethan?----Wait what? No! Yuck!

Tumingin ako sa mga menu ng milktea at sinabi ko na sakanya na wintermelon nalang ang akin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang pumunta na siya sa counter para umorder.

Inilabas ko naman ang pocket book na binabasa ko at sinumulang magbasa dahil wala rin naman akong magawa dito kaya magbabasa nalang ako habang naghihintay sa order namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang may nagsimulang basahin yung binabasa ko at sigurado akong nasa gilid lang iyon ng tainga ko. Napalingon naman ako doon sa gumulo sakin sa pagbabasa at paglingon ko sa tagiliran ko ay bumungad saakin ang muka ni Ethan.

Inches nalang ang pagitan ng muka namin. Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko. Napatitig naman ako sa mata niya at hindi ko mapigilang iadmire ang visuals nitong nilalang na'to.

Natameme naman ako. Sheeeeeet! Bakit hindi ako makagalaw? Gusto kong ilayo ang muka ko sa muka niya pero parang nawala lahat ng lakas ko para gawin yun! Bigla naman siyang ngumiti kaya naman bumaba ang tingin ko sa labi niyang nakangiti.

"Baka naman pinagnanasaan mo na ako ah?" Nahimasmasan naman ako sa sinabi ni Ethan. Nakangisi ito ngayon ng nakakaloko. Aba! Nahampas ko pa siya sa dibdib niya.

"Aba! Ang lakas din ng trip mo noh? As if naman pagnanasaan kita and fyi, hindi ka worth it pagnasaan!------" bigla niyang tinakpan ang bunganga ko pero nagpumiglas ako pero wala ding kwenta.

"Ssshhh...wag kang maingay, pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh" Natahimik naman ako sa sinabi niya at sinulyapan ko pa ang mga tao sa paligid namin at tama nga siya.

'Pinagtitinginan nga kami waaahhh!'

Dumating na ang order namin at sumipsip naman ako sa straw at ineenjoy ang paginom ng milktea habang nagbabasa. Kaso nga lang, binabagabag parin ako ng presenya ni Ethan. Paano ba naman kasi! Nakikita ko sa peripheral view ko na nakatitig siya sakin.

Dahil hindi ko na kinaya, marahas kong ibinaba ang iniiniom ko at ang librong binabasa ko.

"A-ahh nahihilo ata ako, gusto ko ng umuwi" Pagpapalusot ko at mukang naniwala naman ito. Pero bigla siyang lumapit sakin at hinipo ang noo ko para icheck kung maintit ako ngunit tinabig ko yun.

"P-pagod lang siguro ako..kailangan ko lang siguro magpahinga"

"Sige ihahatid na kita.." Halatang nag-alala ito. Agad naman niya akong inalalayan papunta sa kotse niya at sinimulan niya ng imaneho yun.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sumampa sa kama ko at sinubukang matulog pero hindi talaga ako makatulog. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama.

'Ughh! Magmumukang zombie ako neto eh aishh!'

K I N A B U K A S A N...

Nagkaklase lang kami ngayon at syempre nakinig ako sa mga discussion para pag may quiz eh hindi ko na gaano irereview yung mga notes ko haha!

Kumakain na kami ngayon sa canteen at parang napagod yung utak ko kanina sa lecture ni Mrs. Gomez!

"Alesha! Tara sa salon mamaya ah?"

"Sige sige kyahhh excited na ako!"

"Ako rin!"

Yan ang narinig kong usapan sa dalawang estudyanteng dumaan sa table namin. Actually, hindi lang sila yung mukang excited eh, parang lahat ata ng mga students na nandito excited? Pero bakit naman? Anong meron?

"Bakit mukang excited yung mga schoolmates natin? Anong ganap?" Takang tanong ko. Nasamid pa si Carl sa tinanong ko.

"Pfft! Hindi mo alam?" Natatawa pang tanong sakin ni Carl.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pagtataray ko dito. Totoo naman ah!

"Anak ka ng teteng! Bakit hindi mo alam?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Chloe.

"Eh sa hindi ko nga alam diba? Eh kung sabihin niyo nalang kaya para matahimik na ako" naiinip na talaga ako.

"Prom na next week! Aber! Ba't mo nakalimutan yun?!" Muntik ko namang maibuga yung blueberry juice na iniinom ko.

Shemay! Bakit ko yun nakalimutan?! My goodness! Ulyanin na ata ako? Buti nalang talaga at madaldal ang mga estudyante dito.

U W I A N...

Nabsilabasan na kami sa room at sigurado akong maraming estudyante ang gagala ngayon psh.

"Oyy tara rin sa salon!" Excited na aya samin ni Carl.

"Wala namang magbabago sayo kahit magpasalon ka bakla!" Asar pa ni Shyra dito.

"Grabe ka naman!" Nakangusong sambit ni Carl.

"Biro lang ano ba.." Suway ni Shyra dito.

"Sama ka samin ah!" Baling sakin ni Raelynn.

"Oo naman" Masiglang sagot ko.

"Sussss! Kahit hindi na yan magpaganda! Maganda na yan eh! May Ethan na nga eh" Pambubuyo pa sakin ni Carl. Inirapan ko lang siya.

"Ah basta sumama ka mamaya ah?" Aya pa ulit ni Chloe.

"Psh..may gusto ka lang pagandahan eh" Ngumisi pa ako ng nakakaloko.

"H-huh?" Maang-maangan pa nito.

"Sino naman yan ha?" Tanong pa ni Elyza habang naniningkit ang mata.

"W-wala!"

"Wushuuuuuuu!" Pang-aasar pa namin dito.

"Sino pa ba! Walang iba kundi si Jayden Torres!" Banat ni Raelynn at agad naman tinakpan ni Chloe yung bibig nito pero huli na. Nasabi niya na eh.

"Tara na nga!" Sambit ni Chloe.

'Inlababo ampucha haha!'

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon