Chapter 10

154 8 1
                                        

Blaire's P.O.V

Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana..Pagkagising ko ay agad na akong nagsepilyo..

'Hello saturday...whooo'

Ang saya ng gising ko ngayon..ewan ko kung bakit hehehe tanga lang noh? Bumaba na ako at pagkababa ko ay agad ko namang naamoy ang napakabangong amoy na nagmumula sa kusina..parang ngayon ko lang tuloy nadamdaman ang gutom hehehe..

Naupo na ako sa upuan malamang alangan naman sa table. Hinintay lang namin si Blake at nagsimula na rin kaming kumain..Makalipas ang ilang minuto ay natapos rin kami, dumeretso naman ako sa kwarto ko at binuksan ang phone ko..

~BRIZKKK!!BRIZKKK!!~

Inopenko yung GC namin at tinignan yung message ni Elyza.

Guys gala tayo?

Nandedemonyo nanaman ang gaga, pero sige wala naman akong gagawin hahaha.

Sige

Sagot ko sakanya..nagplano naman na kami kung saan magkikita at kung anong oras, pagkatapos nun ay naligo na ako at nagprepare ng damit na gagamitin ko..makalipas ang ilang oras ay sumakay na ako sa taxi at bumaba sa mall, saka ako pumunta sa entrance nito.

'San na yung mga yun??'

"Oyy!!" Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses na yun at natanaw ko sila Shyra na nasa gilid lang pala ng entrance..tss engot

Tinignan ko sila isa-isa at saka ko napagtanto na wala pa pala si Elyza..tsk kung sino pa nagyaya siya pa yung malelate..

"Tawagan niyo nga si Elyza.." Inis na sabi ni Raelynn.

"Ikaw nalang wala akong load" nahihiya pang sambit ko.

"Tapon mo na yang phone mo..walang kwenta" Singit ni Carl.

"Bakit? Yung sayo ba may kwenta din? Diba wala? Tsk.." inis na sagot ko sakanya. Kaimbyerna 'tong baklang 'to.

"Ayy sabi ko nga.." Nag hairflip pa siya wala namang buhok.

"Kahit kailan talaga ambagal kumilos nung babaeng yun hayss.." Si Chloe.

Ilang minuto pa kaming mukang tangang naghintay dun at dumating naman na si Elyza..

"Oh..andito na pala kayo?"

"Obvious ba?" Pambabara ko dito.

"Ang init naman ng ulo neto.."

"Tss.."

Pumasok na kami sa loob at nagtingin-tingin sa mga shop dun..Bigla nalang kaming napadpad sa Toy Kingdom..Tss

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"May bibilhin lang akong stuff toy para sa kapatid ko.." Sagot ni Shyra.

Nag-ikot kami dun at may isang stuff toy na nakaaagaw ng aking atensyon..

"Yahhh!! Ang kyut hutek!" Napatakip pa ako sa bunganga ko nung isigaw ko yun.

"Woi manahimik ka nga diyan.." Sermon sakin ni Raelynn, pero inirapan ko lang siya.

Isa itong panda na stuff toy, agad kong kinuha yun..noong bata pa kasi ako ay paborito ko na ang panda dahil ang cute nila..kaya wag ka nang magtaka kung bakit ganon ang reaksyon ko.

Pumunta na kami sa counter ni Shyra at binayaran ang mga yon..saka naman kami pumunta sa may food court para kumain..

"Pucha! Obsess ka na ata sa panda!" Natatawang sambit ni Carl.

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon