Kabanata 4

1.6K 43 1
                                        

Nicole's Pov

Naglalakad ako ngayon patungong canteen ng may nag sitsit sakin. Hinanap ko kung san nanggaling yon at nadako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa ilalim ng puno!

Kunot noo akong tumingin sakanya. Tumingin ako sa paligid kung ako ba talaga ang tinawag niya.

"Ako? "-turo ko sa sarili ko mismo. Tumango naman ito bilang tugon.

Lumapit ako at hinila ako paupo nito sa upuan.

" Hi. Ikaw si Nicole diba? "-nakangiti nitong tanong sakin.

" Oo "-ngiti kong sagot sakanya.

" Hindi mo ba ako nakikilala? "-turo niya sa sarili niya.

Nangunot ang noo ko sa tanong nito. Pinagmasdan ko ang kanyang muka. Maganda ito pero kinulang sa height.

" Ano namumukaan mo ko? "-ngiti parin nitong tanong.

'San ko ba nakita to? '

Kahit anong throwback ang pag iisip ko ay wala talaga akong maalala, pero pamilyar ang muka niya sakin.

" Hi-hindi eh"-nahihiya kong sambit.

Sumimangot ito at saka bumuntong hininga bago nagsalita uli. "Ako yong babaeng tinulungan mo dati. Yung nanakawan ng bag! ".

Saka ko lang naalala yung nangyari dati!

Naglalakad ako pauwi ng bahay dati nasa waiting sheed na ako non ng biglang may sumigaw na isang babae dahil nanakawan ito sakto namang yung magnanakaw ay dadaan sa harapan ko kaya ang ginawa ko ay pinatid ko ito at saka ito napasubsob sa sahig at kinuyog ng mga tao!.

" Ahh oo ikaw nga "

"Hindi pa ako nakakapag pasalamat sayo sa ginawa mo . Salamat nga pala don ha malaking utang na loob ko sayo. Kundi dahil sa ginawa mo malamang wala na si lola ngayon"-ramdam ko ang lungkot sakanya dahil sa pananalita nito at pilit na ngiti ngayon.

" Nako, maliit na bagay lang naman yun "-sambit ko at saka ko hinimas ang likod niya para pagaanin ang loob nito.

'Fc na kung isipin niya pero gusto ko lang paga anin ang nararamdaman niya'

" Salamat"-saka ito tipid na ngumiti.

"Ako nga pala si Nicole. Ikaw? "-tanong ko dito para maaliw ko siya.

" Mitchell. Mitch nalang hehe"

"Ang ganda naman ng pangalan mo Mitch"

"Hahah hindi naman. Yung sayo cute! "

"Namukaan kasi kita kanina. Transfer ka pala dito. "

"Oo"-sagot ko. Bigla ko nanaman tuloy naalala yung pagtataboy sakin ng mayabang na babaeng yun!

"Ohh bat nag iba yang awra ng muka mo? "-takhang tanong nito.

Ngumuso ako bago siya sagutin. " Pano naman kasi yung unang room kung saan dapat ako papasok ay may epal na mayabang na estudyante na nagpaalis sakin! ".

" Anong section mo ba kanina? "-tanong nito.

Napabuntong hininga muna ako bago siya sagutin. " Section A".

"Ano? Sa section A?! "-gulat na tanong nito.

" O-oo bakit anong pr----"hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng sumabat na ito. "Hindi mo ba alam na ang section A ay nandon ang FH?!! ".

" Teka kilala mo na ba ang FH?? "-kunot noo nitong tanong sakin.

" Medyo "-sagot ko.

Unti unti nadin naman akong nagkaka ideya tungkol sakanila. Dahil ang karamihan ay puro Cleo naman ang kanilang mga pinag uusapan.

Nakakasawa sa pandinig!

"Ang Fallen Hunters kung tawagin ay FH. Sila ang apat na estudyante dito na nagrereynahan dito! Lalo na ang kanilang leader ng grupo na si Cleo Martinez! "

"Sino sino ba sila? At bakit ang lakas yata nila sa skwelahan nato? "curious kong tanong.

"Kaya malakas ang grupo nila dahil mayaman sila lahat! "

"Ano namang connect don? "-tanong ko.

" Hello. Ang pera madaming nagagawa yan sa tao! At isa pa hawak ng magulang ni Cleo na leader ng grupo ang skwelahan na ito! Kaya nilang bilhin ito kung tutuusin! Barya lang ang perang gagastusin para sakanila dahil sa sobrang yaman nang kanilang pamilya! "-sagot niya.

Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi nito! Kung ganun hindi pala basta bastang babae ang mayabang nayon!!

" Ta-talaga? "-di makapaniwalang tanong ko sakanya.

" Oo naman muka ba akong nagbibiro!? Hindi paba halata sa mga kilos ng apat? "-tanong nito saka ako tinitigan sa mata.

" Hi-hindi ko nahalata yun! "-saka ako umiwas ng tingin sakanya.

" Sus "-saka niya sinagi ang balikat ko.

" Si Haze sa grupo siya ang pinaka player sa pag ibig at malakas ang karisma nito kaya ang karamihan din sa mga studyante dito ay may gusto dito at ganun din si lee hehe"-namula ang kanyang pisnge ng banggitin nito ang pangalang lee!

"Bat namumula yang pisnge mo? "-tanong ko dito.

" Wala ganto talaga tong pisnge ko no mapula. Ngayon mo lang kasi napansin hehe"

"Okay"

Tumikhim muna ito bago magsalita uli. "At si Heurt naman ang tahimik sa grupo pero madami din ang humahanga sakanya at masyado itong mailap at bihira lang rin makipag usap sa tao at kakaiba ito sa grupo kaya karamihan din ay mukang bibig ng mga studyante dito si Heurt! Dahil narin sa kanyang maamo at magandang muka hindi ba? "-tanong nito. Tumango lamang ako bilang tugon.

Ewan ko. Bigla bigla nalamang nag init ang pisnge ko! Tinakpan ko ito ng dalawang palad ko para hindi niya ito mahalata.

" And last but not the least si Cleo ang leader ng grupo na kung tawagin ay ang nag iisang bad girl dito sa school! Walang kahit na sino man ang mapangahas na makalapit o makabangga nito dahil kung hindi lagot ka sakanya! "-tatango tango nitong sabi.

" Bad girl?"-nasambit ko nalamang.

"Oo siya ang nag iisang bad girl dito! Nabalitaan mo ba yung babaeng na kick out dito? Jean ata pangalan non eh?? "-sabay himas nito sa kanyang babae habang nag iisip.

Naalala ko nga yun! At kung paano ipagtabuyan ng guro ang kanyang studyante!

'Nakakainit ng ulo!'

" Ano bang nangyari at bat siya na kick out?? "-tanong ko.

" Sinagot niya kasi ang FH kaya ayon ang nangyari sakanya. Siguro ay napuno na ito kaya niya nasagot ang FH"

"Pero bali balita kasi na hindi naman ganyan si Cleo dati?. Ang sabi nang iba ay mabait ito at pala ngiti pero mukang nagsisinungaling lang naman sila? "-patanong na sambit nito.

Magtatanong pa sana ako ng biglang tumunog ang bell hudyat na oras na ng pasok. Wala kaming inaksayang oras patungong room isa pa kaklase ko si Mitch! Dalawang subject nalang rin ay makakauwi na kami!

Nang matapos ang klase ay sabay na kaming umuwi ni Mitch dahil isang kalye lang rin naman ang pupuntahan namin.

RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon