Kung titignan mo nga naman, ganito pala kapalit ng pagiging school officer? Maglilinis ng school? Alam ko talaga dapat kami yung tumutulong sa teachers, as in TULONG lang,
hindi yung kami gagawa lahat. Maaga tuloy ako nagising ngayon para lang sa school.
(text)
Xy: Hey? Good morning!
Me: good morning too. :)
-Let’s eat! Breakfast.
-Tapos na ako. Eatwell though :) Pupunta ako ng school ngayon eh.
-Why?
-Brigada eskwela.
-Oh.
Tapos hindi na ako nagreply.
Pagdating sa school, nagmeeting muna kami with the adviser, pinagusapan lang naman kung anu-ano ba yung dapat gawin at dapat unahin.
Naassign kami ng mga ka-year level ko sa repainting ng benches at imarets, kahit sa CR. Grabe talaga yung principal namin, tinitipid na naman kami, di naman trabaho dapat ng mga officers ito.
Yung iba napunta sa paglilinis ng mga classroom at ng mga garden. Yung iba patuloy sa paghahanap ng solicitation. Bago maglunch, nagkayayaan magmovie marathon, syempre dahil ako si miss always prepared, dala ko laptop ko!
Oh ha, akalain nyo yun, brigade tapos nagdadala ng laptop? Wala lang connect. Haha, actually, para kasi dapat yun sa documentation, part kasi ako ng Dagitab, yung school publication namin, photojournalist. Kaya lang,
ito na naman at may tumatawag,
Xy: Hi? Are you doing anything? Makakaistorbo ba ako?
Me: Uhm, actually wala naman, manonood lang sana kami.
“Saan? Naglunch ka na?”
“Hindi pa.”
---naputol yung call,
“Then I guess, I’m just in time. :)”
Ano ba yan? Kailangan talaga binibigla niya ako lagi? Konti nalang talaga pagkakamalan ko na siyang stalker. Alam nyo yung prolonged state of shock? Yun nangyari sa akin eh, di ako nakapagreact agad.
Haha, nakakahiya ako. Nagtinginan yung mga kasama ko tapos loading…ayun.
“Oh? Bakit ka nandito? “ ayan na lang una ko ng nabigkas. >///<
“Yayayain sana kita magluch eh. Kung ayos lang.”
“ A-ako? A-ayos lang naman.”
Parang timang lang, hindi ako makasagot ng maayos. Nakita nga siya nung adviser namin, napagkamalan pa siyang kasama sa officers, ang galing lang talaga.
Haha. So ayun nga, ako na naman itong walang pakialam sa gamit, iniwan ko yung laptop ko sa mga kasama ko at nagstart na sila manood, nakakahiya naman mang-istorbo.
Pagkalabas ng room may naghihintay ng car sa amin, okay, saan na naman kaya kami pupunta ngayon? Then in a moment, he gave me some flowers.
“Para saan ‘to?” tanong ko.
“Para sayo.”
“ Bakit?”
“Masama ba?”
“Hindi naman...”
“Then don’t ask why.”
Tignan mo ito, ang sungit talaga. Hindi ko makuha kung nanlalambing na nanliligaw na o ewan, o baka naman may imemeet uli kami? Gawd, ayaw ko na yata nitong pinasok ko.
Don Guillano’s. Okay, nice lang, lunch at Don G?
(background music: check yes juliet –we the kings)
“What’s your order?”
Tanong niya sa’kin ng nakangiti pa talaga.
“Lasagna.”
“Yun lang? Ano pa?”
“Ice cream if there’s any.”
Then nag-order siya, lasagna, then pizza and chicken with pasta. Napataas kilay ko, alam ko kasi talaga dalawa lang kami, ano gagawin niya sa akin? Tss.
“You will eat some of those, okay? And yung ice cream, it’s not good for lunch okay? If you want it, i’ll buy you later.”
Saan ka pa? Nagkainstant boyfriend ako? Dinidikta na kung ano kakainin at hindi ko kakainin? Mapapataas na talaga sana yung kilay ko kaya lang bigla siya ngumiti tapos ininvite na ako umupo kaya ayun, calmed down ako. Haha. Weird feelings.
We ate there for a while. Nalaman ko na favorite niya pala ang pizza tsaka chicken. Mejo malakas siya kumain. And tsaka ko lang nalaman na hindi pala ugali ng americans ang mag-rice. Nalaman ko rin na mahilig siya sa anime, so well, as high school students, ayun nagkakwentuhan ng konti tungkol dun.
After that, bumalik na ako sa school, hinatid niya ako syempre, tapos umalis na rin agad.
Sabi ko kasi, marami pa kaming gagawin tsaka may next time pa naman.
O, ang galing ko mag-assume, nawiwili na yata ako?
BINABASA MO ANG
Played by Fate?
Non-Fiction"Sometimes I feel like I'm done waiting and holding on But it is amazing how feelings are gone one moment And later, renewed by a simple song that reminds me of him The way he makes me smile and I am completely clueless why The way I look away once...