Chapter 27: Unexpected T^T

50 3 0
                                    

Nagseserve na pala ako sa church ngayon.

Madalas daw kasi ako napapansin nung elders. Kasama ako sa choir, sa Catholic, tska sa Aglipay. Kapag may mga problema ako, lumalapit ako kila father tapos may isang sector dun sa amin, El Shaddai, pati run, napasama ako.

Yung preacher dun naging counselor ko. Lagi nila akong sinasabihan na bata pa ako para sa mga nararanasan ko kaya dapat lagi akong lumapit kay God.

Mula noon, 6am-6pm nasa school ako, 7pm to 12mn nasa simbahan, 12mn to 3am nagrereview habang katext or kausap sa phone si Xy. Hindi ko alam paano ako tumagal sa ganung lifestyle.

Ang gulo ng buhay ko noh?

Ay mali, Masaya pala ang life ko :)

----

15th monthsary

Birthday ni mama. Hindi kami nagkasama ngayon. Nasa national conference din ako ng student leaders. :(:

 (Malungkot na Masaya kasi ako ngayon)

 -----

16th monthsary

May party sa kanila, nakalimutan ko na kung para saan. Tapos first meet-up na rin namin ng grand parents niya. Sabi kasi ni Xy pakikilala niya na daw ako..

Pagdating sa venue..

Yayyyy..

 Naku, yung grandpa niya nakakatakot…yung mukhang highly respected talaga.

Napakacold. OP na nga ako. Hindi kaya ng pagiging friendly ko, kaya di ako humihiwalay sa tabi niya. Okay naman ung party.. formal pero hindi din ako binibitawan ni Xy.. and he’s always smiling at me.

 Tapos, biglang nag-announce yung grandpa niya.

Grandpa: …*blah-blah-blah* (basta ang dami niyang ina-nounce..tapos ito na,,,,,,,,,,,) And let me introduce to you, upon keen discussion, my grandson, Xyrex, and his wife to be Keigh.

All those people clapped. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya. Gusto ko umiyak pero pinipigilan ko. Ano bang kalokohan ito? I know kailangan maging positive regarding his situation, pero given the fact na ilang buwan nalang, bakit ngayon pa?? Lord, bakit po sa harap ko pa?

He faced me.. parang expression na wag-kang-magreact-agad-di-ko-din-to-alam… kaya sabi ko nalang.

“Sige na, baka magalit pa grandpa mo.”

“ Dito ka lang, babalik ako agad. Please stay babe.”

I nodded..

Pero umalis ako agad… pagkalayo niya ng unti. Ang sakit… sobrang sakit. Sa totoo lang ung sakit eh nagde-define ng “Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko”… pero hindi ko kaya, hindi ko kaya yung sakit.  T.T </3

I tried calling my bestfriend, pero ngayon ko lang naalala, kahapon pala flight niya papuntang Australia.

Then, Eys, since taga rito lang din siya, kaya lang kasama niya mom niya.

Then, si Mara, may problem sa family nila.

And last, si Yesha. Thank God nacontact ko siya.

First time ko hindi umuwi sa bahay ng walang paalam. Tumatawag parents ko pero wala akong lakas na sagutin iyon. Iyak ako ng iyak.

First time ko rin makaencounter ng ganito, akala ko rin kasi, sa movies lang nangyayari ang ganito. Nang mahimasmasan ako, sakto, itinawag na pala ng parents ni Yesha na nasa kanila ako. Sinundo ako nila mama.

Tinanong nila ako kung bakit pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Naramdaman siguro nila na malaki problema ko kaya hindi na muna nila ako kinulit.

.

.

.

.

.

early dawn

(cellphone call)

“Why did you leave? I was looking for you the whole night”

“Sumama kasi pakiramdam ko. Sorrry kung di na ako nakapagpaalam”

 

Damn! MASAKIT XY! Ang sakit. Buti na lang hindi ako inatake kanina..

“Bakit di mo sinabi sa akin para naihatid kita? “

“okay lang, hindi rin naman ako umuwi sa bahay.”

Malaman ko ba naman na may fiancé ka na? sa harap ko pa? announcement pa? kahit na alam kong hindi un totoo para sa’ting dalawa. Kasi dun pa din ako naniniwala.. pero…

“Huh? Bakit? Saan ka pumunta?”

“Sa kaibigan ko. Basta yaan mo na yun.”

Tama na.. ayoko ng umiyak. Akala ko mas madami akong mararansanag masaya sa pag-ibig pero bakit ganun? mas maraming malungkot, nakakapanghina, nakakaiyak.. kakayanin ko pa ba?

“Nga pala, yung tungkol kagabi. Hindi ko talaga alam iyon. I argued with my grandpa but he says he’s decision’s final.”

“Okay. Sige, magrereview muna ako. Usap nalang tayo mamaya.”

Sheeeeeeeezz lang! final decision.???????? Ano na lang ako diba? Ano ako? Wala lang..? pretense pa rin ba ‘tong halos magdadalwang taon namin?

in-off ko phone ko. Baliw. Saturday nga pala. Hala. Iyak lang ako ng iyak. Bat ba ayaw maubos ng luha ko??

Ayoko na..

masakit na..

.

.

.

Masakit na..

.

.

.

Sobrang sakit na..

Played by Fate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon