2nd valentines together :) – City Mall
Nagpunta kami sa mall para magpalamig, mainit kasi nun sa labas tapos nagugutom na rin kami.
Sakto naman may Jack’s loft, so doon kami nagmerienda. Haha, iwas muna kami sa lasagna at pizza ngayon, madalas kasi pag magkasama kami, yun kinakain namin.
Then nag-ikot sa department stores. Parang sira lang, gusto niya ako bilhan ng mga dress, eh, hindi naman ako marunong magdress, I only wear ‘em occasionally.
Tapos nung pauwi na, sa may escalator. Bigla siya bumitaw sa kamay ko, tuloy nauna ako bumaba sa kanya. Habang pababa yung escalator, bigla siya sumigaw.
Xy: Aya!
Ako: Bakit ka nandyan?! Halika na!
Alam niyo yung parang sira? Nagsisigawan sa mall, sa may escalator pa.
Xy: I LOVE YOU! I REALLY LOVE YOU!
Oh, God, save me from this place. Nagsitinginan yung mga tao sa amin, parang sira lang. Nahihiya na po ako sa boyfriend ko, hindi po nailulugar yung kanyang kalambingan.
Ako: Ano ka ba?! Halika na dito!
Xy: Sabi ko, MAHAL NA MAHAL KITA,Aya Shanel!
Napayuko ako at bumalik paakyat, tapos yung iba parang hinihintay yung magiging reaction ko.
Grabe lang talaga, nakakapanghina, kung pwede lang sumigaw sa sobrang tuwa. Nakakahiya na kung nakakahiya, pero ilang lalaki lang ang makakagawa ng ganitong kahihiyan masabi lang sa mahal niya na mahal niya nga siya.
Paglapit ko sa kanya, humawak na ako sa kamay niya. Yung mga tao naman nagsipalakpakan, karamihan kasi teenager kaya ayan tuloy. Tapos akala yata nila, it’s like nagtatapat siya sa akin. Nagtinginan lang kami sandali tapos bigla nalang natawa. Anlakas din ng trip niya eh noh?
Tapos umakbay na siya sa akin tapos bumaba na nga kami. Some people said, congratulations to the two of us, even nga yung guard nung mall.
Nagtitinginan nalang kami at nagpipigil ng tawa, grabe talaga yun. Nung nasa may parking space na kami para maghintay dun sa driver, tawa na talaga kami ng tawa. And He said these words that made me even more happier…
Xy: But, babe, I mean it. Mahal na mahal na nga kita.
Ako: I know that already and…I love you too.
----
19th monthsary
(message)
~Same place. 2pm.
~Okay.
BINABASA MO ANG
Played by Fate?
Non-Fiction"Sometimes I feel like I'm done waiting and holding on But it is amazing how feelings are gone one moment And later, renewed by a simple song that reminds me of him The way he makes me smile and I am completely clueless why The way I look away once...