20th monthsary
Mahirap makita na iyong pinakamamahal mong tao, nahihirapan, pero pinipilit lumaban. yung maririnig mo siyang sisigaw dahil sa sobrang sakit. yung maluluha ka na lang kasi nangyayari iyon lahat sa harap mo pero wala kang ibang magawa kundi ngumiti sa harap niya pag kausap mo siya para lang may mapagkuhanan siya ng lakas.
Nasa harap ako ngayon ng hospital bed ni Xy. Yeah magaling na ko pero di pa ung mga sugat ko. Lalo na ung sugat ko sa puso.
“Don’t give up, okay? Dito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo. (hinawakan ko yung kamay niya) Be strong. Diba sabi mo hindi mo ako iiwan? sabi mo rin na hindi ka mawawala sa tabi ko. I love you so much. Hindi ko alam ang gagawin kapag iniwan mo ako.”
I can talk to him like this pag tulog siya. ayoko kasi magbanggit ng mga ganito pag gising siya at magkausap kami. Hini ko kinakaya.
“Lord, ano po ang pwede kong gawin? Pinipilit ko po maging matatag kasi alam ko nandyan po kayo para i-bless kami. Lord, diba po sabi ko handa ako gawin lahat maging okay lang siya. Lord, bakit po ba kailangan siya pa? Marami naman pong masasamang tao sa mundo…pwede rin naman po ako. Sana hindi na lang siya. Marami pa po siyang pwedeng gawin, marami pa pong kanta yung magagawa niya, maraming tao pa maiinspire sa kwento niya at marami pa po siya matutulungan. Lord, alam ko po pasaway siya, mahilig siya magmaliit, pero alam naman po natin mabait siya. Lord bakit po ba kailangang ngayon pa? Ngayon pa na mahal na mahal ko na siya. Marami pa po akong gusto sabihin sa kanya. Marami pa po kaming gusto gawin, gusto mapuntahan. Lord, bigyan niyo pa po kami ng chance. Kahit po siya nalang…ilayo niyo po siya, okay lang basta maging okay lang po siya. “
All of sudden habang umiiyak ako sa harap ng isang natutulog na Xyrex Klein..
Mommy: The doctor said he needs to undergo an operation. There will be less than 10% of chances para maging successful yun, and if not, we’ll lose him. If he didn’t, mawawala na talaga siya.
Nararamdaman ko yung pain ni mommy. Lord, ito na po yun, thank you! Atleast I know, there’s still a chance.
“Kailan po ang operation?”
“That’s our problem, ayaw niya mag-undergo ng operation.”
“ I’ll talk to him.”
Daddy; Are you sure you want to take the risk?
“ Opo.”
D: But it’s less than 10%. I can no longer afford to see him suffer.
M: Ready ka ba sa possible mangyari?
“Di ba po sabi niyo kailangan maging strong tayo? This is the time that we should be strong the most. 10%, 5 %, 1%, even if there’s less than 1%, as long as there is, I’d take the chances.”
We should not give up. Either ways, kung talagang wala, magiging matatag ako, pero I won’t let this end without having a fight. This is not just his fight for his life. this is my fight too.
BINABASA MO ANG
Played by Fate?
Non-Fiction"Sometimes I feel like I'm done waiting and holding on But it is amazing how feelings are gone one moment And later, renewed by a simple song that reminds me of him The way he makes me smile and I am completely clueless why The way I look away once...