Chapter 24: The Journey Begins

95 2 0
                                    

Special thanks sa free data ng globe :) nakapag update rin!!

Cassiopeia

Nakapangalumbaba lang ako habang naka patong sa isang malaking libro ang siko ko.

Our professor in potion making keeps on talking and talking and talking. Does she even get tired of blabbering? Kasi ako, hindi ko yata kakayaning magsalita ng magsalita.

I shrugged those thoughts away. Baka ako lang ang ganoong tao.

"Okay wizard and witches! Turn your books on page 238 and follow the written instructions." Aniya at tinapat ang ang wand sa nakasara niyang libro. Bigla itong bumukas at mabilis na lumipat ang mga pahina mag isa until it stopped. Sa tingin ko ay sa page 238 na 'yon. That's unfair.

Nakasimangot kong hinanap ang page 238.

"What's with the long face?" Asked someone from beside me. Napatingin ako sakanya ngunit hindi ko siya sinagot. Nakatabi ko si andrei ngayon. Parehas kasi kaming late kaya ang likuran sa bandang dulo ng room kami pinaupo.

Nakarating na ako sa page 238 at nakita ko ang title ng gagawin naming potion. Potions are commonly used for changing other's feelings or turn someone into something. Katulad nalang kung ihahalo ito sa cake at ipapakain sa iba. Pwedeng love potion o kung hindi naman ay ang potion na nakakasakit sa ibang tao.

But this potion. This potion is different.

Tahimik kong sinunod ang instructions at procedures sa libro. May medium sized pot sa harap namin, ang itsura nito ay ang itsura ng palaging ginagamit ng mga witch kapag naghahalo ng kung ano ano. Witches are the best when it comes to potion of course.

Sinulyapan ko ang katabi ko na hirap na hirap sa paghiwa ng isang bean na ang katas ay lalagay sa pot.

Should i help him or not?

I sighed ang went closer to him, "Hey."

Muka siyang nagulat sa biglaan kong pagsulpot. Seryoso kasi siya sa ginagawa niya kaya hindi niya ko napansin. I can see beads of sweat in his forehead.

"You can't slice it cause its too hard. Pag pinilit mo, tatalsik lang yan sa ibang direksyon. You have to squish it using your knife. And, yang knife mo ay painitin mo muna sa apoy para effective." I instructed and he gladly do so. Tinapat niya ang kutsilyo niya sa apoy sa ilalim ng pot katulad ng sinabi ko.

Nang matapos ay pinisa na niya ang bean at piniga sa pot. Umusok ito. "Woah! That's cool. Thanks!" He said happily. Napailing nalang ako sakanya bago bumalik sa ginagawa ko.

"Uhm, cassiopeia. Ito pano ba to?" Tanong niya at nagkamot ng batok. Tila nahihiya.

"Alin?" Tanong ko at nilapitan siya. Sasagot pa sana siya ngunit may umepal.

"Read the instructions, idiot. That's the purpose of the book." Malamig na sabi ni ian at hinigit na ako palayo. Napaawang ang bibig ko sa biglaang nangyari.

The hell was that?

"Hey! Hindi pa ko tapos sa ginagawa ko," reklamo ko at hinigit ang braso ko sakanya.

"Melissa wants to see us. You didn't hear her call cause you're too preoccupied with that jerk. Tss." Suminghal siya at nauna ng naglakad. Ano bang problema non? I was just helping the guy! Anong inaarte at kinakainis niya doon?

Napabuga nalang ako ng hangin sa ginawa niya. Is he jealous? Baka akala niya pinalampas ko na ang pagbuhat buhat niya kay edessa at pag hawak sa muka nito. Parang takot na takot siyang mawala si edessa ah? Tss. At hindi ko pa rin tanggap na kinampihan niya---Nila si edessa laban sakin.

Sapphire HighWhere stories live. Discover now