Cassiopeia
NARINIG KO na ang pag ihip sa trumpeta, hudyat na magsisimula na ang hunting.
Obviously, kaming anim ang magkakasama at magkakagrupo. Since i belong to their group, isa pa, wala naman akong ibang kakilala. Ayoko na ring makipag interact or iinvolve ang sarili ko sa iba. 5 is enough i mean, marami na ang five. Plano ko pa namang maging loner lang rito sa paaralang ito. Ang bawat grupo ay nag coconsist ng 3-6 members. Minimum of three and maximum of six.
The gate slowly opened, una kaming lumabas at sumunod naman ang iba't ibang grupo. Paglabas, kanya kanyang puntahan at hanapan na ang ginawa ng ibang estudyante.
"Ughh! Ayoko talaga sa larong ito! Andaming itchy insects and creatures." Reklamo ni zel.
"Wag kang magaaala, ayaw rin ng itchy insects sa mga bitchy creatures." Pinaarte ni hendrix ang pagsasabi sa itchy at bitchy. Napangisi nalang ako, loko talaga ito.
"I hate you!" Sigaw ni zel kay hendrix. Napangisi nalang ang huli at inakbayan siya.
"I know you don't mean it." He winked.
I grabbed a single arrow at inistretch ito sa bow. I directed it upwards saka pinakawalan. Nagbounce back ito sa direksyon ko kaya napabuntong hininga ako. Everything here will all be manipulated. Hawak kami ng school ngayon.
Nagsimula na kaming maglakad.
Daladala ko ang W.A ko, pinang puputol sa ibat ibang halaman o kung ano mang humaharang saamin. Wala man lang bang clues rito? Ano, lilibutin nalang namin ang buong forest hanggang sa mahanap namin lahat ng gemstones?
We suddenly heard a loud roar. Wala na kaming sinayang na oras at agad nang tumakbo kung saan nanggagaling ang malakas na tunog.
Napahinto kami sa pagtakbo ng makita na namin ang isang puting higante. A great white beast. May stripes rin siya na itim sa iba't ibang parte ng katawan. Base sa kulay ng mata niya, dito namin makukuha ang Citrine gemstone. Dahil kulay dilaw ito.
Agad namin itong sinugod. Pinalabas ko ang ice spikes ko at tinira ang leon. Si Ian naman ay nagbabato ng fireballs at gumawa rin ng pana gamit ang kapangyarihan niya. Bigla akong napaisip, ano kaya ang kakayahan ng dark power niya? Hindi ko pa siya nakikitang gumamit non.
Nabalik ako sa realidad ng bigla itong sumugod sa direksyon ni dionne. The latter stood there, frozen. Sinubukan kong ifreeze ang leon ngunit hindi ito umepekto napakalaki niya! Kalahati na siguro siya ng isang building.
Dionne can't be harmed, siya ang healer. At pag nasaktan siya, hindi niya kayang gamutin ang sarili.
Kai, being protective of dionne, furiously rushed to the monster. Ginamit niya ang speed ability niya habang pinupulupot ang vines sa buong katawan ng higante. Agad nakarecover si dionne at tinakpan ang mata ng leon gamit ang fog power niya. Natumba ang leon dahil sa nakapulupot na vines sakanya. Kanya kanya naman kaming naglabas ng kapangyarihan. Nagpakawala ng air blades si hendrix at tornado na din. While zel is slowly trying to drown the big monster.
Few moments later, the monster closed it's eyes. Tumakbo ako papalapit dito. Hinugot ko ang Yaka (whistle arrow) Mula sa Quiver at agad hiniwa ang tiyan ng leon. Lumabas ang nakakadiring kulay dilaw na likido mula rito. It's sticky and gross-looking. Iwinaksi ko ang pandidiring nararamdaman, at agad kinuha ang dilaw na umiilaw, citrine gemstone.
YOU ARE READING
Sapphire High
FantasíaHighest rank achieved: #105 in fantasy Cassiopeia Alexinne Margaux Forbes is living a normal life, but her mom promised her that everything will change when she turns 18. As time pass by she turned 18 and when she blew the candle and opened her eyes...