Chapter 30: Demons

49 2 0
                                    

"But he who is afraid of the thorns, must not crave the rose."

Cassiopeia

Tila ba bumalik kami sa nakaraan.

Matatayog na puno. Mataas na sikat ng araw. Tahimik na kapaligiran ngunit rinig ang huni ng mga ibon. At higit sa lahat, kami nanaman ang magkakasama.

Nandito nanaman kami sa gubat kung saan dati kaming nag gem hunting. Ang kaibahan nga lang, hindi na gem ang ha-huntingin namin.

"So, where should we begin?" Tanong ni dionne.

Magkakaiba kasi kami ng direksyon na hinaharap, nakaharap ako sa timog. Ang iba ay hindi ko na alam kung saan nakaharap.

"THIS WAY!" sabay na sigaw ni zel at hendrix kahit magkaibang direksyon ang tinuturo nila.

"I have a map..." biglang sambit ni kai kaya lahat kami ay napatingin sakanya at lumapit.

Nilabas niya ang map mula sa kanyang backpack. Lahat kami ay may dala dalang backpack. Maliban kay zel na pouch lamang ang dala.

I bet mas malalim pa ang loob non kesa sa hukay sa sementeryo.

"Deíxe mou (show me)"

Lumabas ang tila tinta at nagpakita ng mga direksyon. Nakasulat doon ang iba't ibang pangalan ng mga lugar.

"Ian. Saan--"

Napatingin ako kay Ian dahil parang naputol ang dapat na tanong ni Hendrix sakanya.

Hindi ako matatakutin na babae but when i looked at his eyes, i felt that fear. Nandidilim ang kanyang paningin habang nakatingin sa isang lugar na nakalagay sa mapa.

Onyx Kingdom

I didn't know that that kingdom still exists. Not even on that map. Ang alam ko binura na yon sa kahit saan.

We are now on our way to that kingdom. Lahat kami ay tahimik dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin namin ang tensyon kay Ian. Ano nga bang meron at bakit parang galit siya?

Hindi ko nalang 'yon pinansin at tahimik na lamang na naglakad, Iniisip ang maraming bagay. Ano ang makikita namin doon? At bakit nga ba kami doon papunta?

Sementeryo. Sementeryo ang bumungad saamin pagkarating namin sa lugar na 'yon.

Isang mataas at gawa sa bakal na gate ang nasa harap namin ngayon. Cemetery lang ang nakasulat sa taas.

Hindi namin inakala na ganito ang maabutan namin. We we're ready to fight but look at our unexpected enemy? Dead people.

"Wow! Ang haba haba ng nilakad natin tapos what? Here we are! This is useless!" Iritang sabi ni zelene.

"Pwede bang manahimik ka?" Galit na bulyaw ni hendrix. Naiirita na sa pag reklamo ni zel. And obviously, Dismayed because of what the result turned out to be. Oras ang kalaban namin kaya dapat wala kaming sinasayang na pagkakataon.

May nakita akong matandang lalaki na nagwawalis sa gilid. Nilapitan ko ito dahil mukang hindi yon napansin ng mga kasama ko. Si ian ay nakatingin lamang sa sementeryo, tulala. Si kai at Dionne naman ay nag iisip kung saan ang susunod na pupuntahan habang nakatingin sa mapa. Habang si zel at hendrix ay ganoon pa din. Nag aaway. Lagi.

Sapphire HighWhere stories live. Discover now