Trauma 17

27 0 0
                                    

JAF : Trauma || Mingyu FF (SVT Series)

KASE OMGGGGG! MAY PANIBAGONG PAGSUBOK NANAMAN AKO HAHAHA! SUMALI AKO SA PAGEANT SA SCHOOL NAMEN HAHAHA!TAPOS SA DANCE CLUB NAMING NGAYON NAGING ACTIVE HOHOHO!!! (nababaliw na.)

Oy plug ako sa TSOTN nun ha! Hahaha. So ayun. MADALANG NAMAN TALAGA AKO MAG-UPDATE kasi tamad ako magpaload at wala akong pera hahaha! Sorry natagalan!

"Pindutin mo yung star sa babang kaliwa. Magic,magiging orange!
Tas,yung sa tabi ng Star,may Comment box. How's my works?"

--

[Mingyu's POV]

"Sige na pleeeeeaasee?" Sa huling pagkakataon ay nanghingi nanaman ako ng permiso kay Manager namin. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang tumango.

"YEHEEEY! TENKUU MANEDYEEER!" Niyakap ko siya at nagtatatalon na sumigaw sigaw.

"Oy,oy,oy! Dalawang babae lang ah! Magpapadagdag na lang ako ng isa pang kwarto para sa guestroom." Sabi nito .

Tumango tango naman akong ngumiti sa kaniya. Finally! Long Distance Crush is Over!!

Paalis na ako nang marinig ko si manager na bumulong.

"Ang lalaki na talaga nila. Salamat at hindi sila natuluyang bumaluktot." Lah. Ano bang tingin Samin ni manager? Mga bakla?! Sus! Fake news yon!

Nang makabalik ako sa dorm ay sinabi ko na sa kanilang lahat na dito na titira sila Juliane.

"Tara na nga Kwan. Nakikita ko na yung mangyayari pag lumipat na dito sila Jul." Yaya ni Jeonghan kay Seungkwan at umalis.

"Seryoso ka ba? kahit si Juliane na lang. wag na yung asungot niyang pinsan." nakangusong tugon ni Cheol.

"Ayaw mo nun, may stay-in chic ka na dito sa dorm?" Pangasar na sabi ni Wonu.

Sinamaan naman sya ng tingin no Seungcheol at ibinato ang unan na tumama naman kay Woozi na natutulog.. nako po.

"Sinong bumato?" Kalmado pero halatang galit na sabi ni Woozi. Dahan dahan akong tumayo at naglakad na parang wala lang. Mahirap na.

"Si Hoshi, si Hoshi!!" Nasasakal na sabi ni Wonu at lahat ng members, lumabas. Except... Hoshi.

"Huh? Ako? Bat ako?! AAAHH WOOZI! HUMANDA KAYO SAKEN AAAHHH---"

Nagrambol na sila agad pagkatapos ay napailing na lang ako at lumabas na din para hindi madamay.

Sunduin ko nalang sila Juliane.

[Juliane's POV]

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa sinabi nila Jeonghan.

Kami ni Ivy? Titira sa dorm na tinirirhan ng Seventeen?! Dream come true 'yon!

Parang kailan lang nung nasa Pilipinas palang ako kuntento na ako sa mga posters na binibili ko pero ngayon, magiging sobrang lapit na namin at nasa iisang bubong nalang!

"AATEEEE JUUUUR!!" Nilingon ko si P.I. na nasa harapan ngayon ng isang maleta.

Sinabihan din kasi nila kami na ayusin na raw ang mga gamit na dadalhin namin sa paglipat.

"Bakit P.I?" Sumimangot naman siya sa akin.

"Kanina ka pa natutulala. Hindi rin ako makapaniwala na titira na tayo sa kanila pero kailangan pa nating mag-ayos ng gamit. Okay?" Natatawa naman akong umiling sa kanya pagkatapos ay nagpatuloy na sa pamimili ng damit.

Sakto pagkatapos naming mag-ayos ni P.I ay tumunog ang doorbell kaya nagkatinginan kami.

"Sino magbubukas?" parehas naming sabi kaya tumawa kami.

"Ako na nga!" sabi ko at tumayo papunta sa pinto.

Dorm ng Seventeen, hintayin niyo lang paparating na kami!

Just A Fangirl 1 : Trauma|| Mingyu FF (SVT Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon