JAF : Trauma || Mingyu FF (SVT Series)
"Pindutin mo yung star sa babang kaliwa. Magic,magiging orange!
Tas,yung sa tabi ng Star,may Comment box. How's my works?"--
[IVY]
"Hoy bampirang mukhang puyat, ano naman yon? kala ko ba SeungSette ang loveteam? " nakataas ang kilay kong kinompronta tong si Seungcheol.
totoo naman yung unang sinabi niya. totoong inaya niya ako sa ball para magbantay kay ate Jul pero humindi ako. Kasi... OO NA NAKAKASELOS. pero bukod dun, ayokong madawit sa love triangle nila ni Mingyu, ate Jur, at Siya. Ok na ako sa buhay ko. ayoko ng gulo lalo na't pinsan ko at ako ang kasama.
"Come on, toasted bread. pumayag ka na. Isang gabi lang naman yun. saka hindi naman natin itutuloy yung sweet moments na sinabi ko noon. erase na yon. Wala akong ibang mapili eh." pagmamaka-awa niya sakin.
"Am, pramis, hindi ko sasabihin na ikaw yung sumunog ng tinapay kanina. sasabihin ko ako. pumayag ka lang."Dagdag nito.
Kanina kasi, bago pa magising yung iba, nagluto ako ng tinapay. sira yung toaster nila kaya naman nagtiyaga ako sa kawali. konting butter t asukal, okay na. kaso mukhang nalakasan ko masyado yung apoy at nasunog yung limang pares. malas diba?
Kaya naman, huminga ako ng malalim at,"Fine. basta sa Ball lang na yun ha?" agad namang nagliwanag ang mukha niya at parang batang tumango tango sa akin. baliw na'ko.
[Mingyu]
Pansin kong ginagalaw galaw lang ni Juliane yung pagkain niya.
"Hey, okay ka lang?" sabi ako at marahan siyang tinapik.
"A-ah? o-okay lang! sunog lang yung tinapay.. hehe." napalingon kami agad nang parang nabulunan si Ivy at Cheol. agad naman namin silang inabutan ng tubig.
"Ang gulo.." napatingin ako ulit kay Juliane nang bumulong siya. pero di ko naman masyadong narinig kung ano yung sinabi niya kaya hindi ko na lang pinansin.
-TRAUMA-
Time check: 4:50 pm. maya mayang 6 na magsisimula ang party kaya naman nag-ayos na ang lahat.
Naggather kaming lahat sa sala pero wala pa si Juliane, Ivy at Seungkwan.
"Guys! eto na yung girls natin." Napalingon kaming lahat sa pagsasalita ni Seungkwan. They're both dashing!
Si Ivy, nakasuot ng Green Maiki dress habang si Juliane.. dang. A Pink halter gown. napakasimple pero ang ganda niya.
MNET BALL
[Juliane]
Nakakakaba. Parang gusto kong tumakbo, tumalon, isigaw ang pangalan ni Mingyu. Chos.ayun nga. bukod sa kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayon, nako-concious din ako sa ibang mga taong nandito.Nang makapasok kami, parang reunion ng mga gumagamit ng gluta ang mga tao.charot lang ulit. Ang puputi kasi nila. Eh kayumanggi at Filipina ako. hAlLo.
"Ate Jul, may papalapit." bulong ni P.I. Katabi ko kasi siya at kasakasama namin ang iba pang partner ng SVT.
tama naman ang sinabi ni P.I.. May mga babae ngang papalapit samin. Oh wait, hindi lang basta babae. matangkad, maputi, makinis, pero ba't ganon? may kasama silang dragon? charot. sila Chaeyoung, Dahyun, Jihyo, Momo, Sana, at yung dragon na si Tzuyu. ngumiti lang ako at ganun din yung iba.
BINABASA MO ANG
Just A Fangirl 1 : Trauma|| Mingyu FF (SVT Series)
FanfictionSa mundong ginagalawan natin ngayon uso na yung kpop kpop na yan. Andyan yung mga Fangirl ng mga K-pop Groups ng bansang Korea. Syempre kung may Fangirl may basher din. 'Di naman mawawala yon diba? Si Juliane Alcera na isang fangirl ay nagkaroon nan...