Trauma 30

9 0 0
                                    

JAF : Trauma || Mingyu FF (SVT Series)

"Pindutin mo yung star sa babang kaliwa. Magic,magiging orange! Tas,yung sa tabi ng Star,may Comment box. How's my works?"

--

Matapos nga ang incident na yon, nawalan ng gana si Sophia na mag gala. So we ended up sitting in a park at kumain na lang ng ice cream.

" Are you sure you're okay? I'm worried.. " Tanong Kong muli at ngumiti sa kaniya. She smiled back and nodded.

"Yes, ate. Saka kahit hindi mo sabihin. Malalaman niya pa din naman. Saka alam naman natin kung sinong may mali, Di po ba?" I sighed and smiled. Napakabait naman ng batang 'to.

Pagkatapos namin maggala ng kaunti, umuwi na kami. Mga ala-sais siguro dahil maaga din naman kaming umalis kanina.

" Thank you talaga, ate. I had fun. " She smiled and hugged me. Niyakap ko na din siya pabalik then we parted ways.

Pumasok ako sa bahay at inalis ang sapatos ko. Tumunog naman ang cellphone ko kaya sinagot ko ito. Yung kapatid ko, tumatawag.

"Ate, umalis kami nila mama at papa. Hindi ka na namin sinama kasi walang magbabantay sa bahay. Na dito lang naman kami kila Mama Da."

"Ah, ok. Kailan kayo uuwi?" Tanong ko babang kumukuha ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig.

"1 week daw kami dito. Sunod ka na lang daw sabi nila mama kung gusto mo."
"OK."
At pinatay ang tawag. Normal lang naman na  naiiwan ako sa bahay. Pumunta ako ng sala at nagulat nang nandon pala sila IVY, Vernon, Minghao, at yung iba pa.

"Kanina pa kayo dyan?" tanong ko at tumango naman sila lahat. Hindi ko ata sila napansin nang papauwi na ako.

"Ba't ang tahimik niyo? Anong meron?" Tanong ko sa kanila. Nagsisikuhan pa sila at saka naman ibinulalas ni Minghao.

"Sumunod kasi si Seungcheol." napawi ang ngiti ko. I mean, natutuwa ako sa pagdating niya. Kaya lang, ewan...

"o.. K. Asan siya ngayon?" tanong ko at sumandal sa sa sofa.

"Nandun sila sa amin. Kasama niya si Mingyu. Ewan ko ba sa Dalawang yon. Kaya kami nagpunta dito para sana sabihan ka nga. At.. Ayusin mo yung gulo nila." paliwanag naman ni
Minghao na mukhang nape predict na din ang nangyayari. Hindi ko pain alam kung natutuwa ako dahil bumisita siya o naiinis ako kasi ako yung dahilan ng silent war sa kanilang dalawa ni Mingyu.

Ngumiti ako ng bahagya at hinainan muna sila ng maiinom at makakain. Umalis din sila maya Maya at naiwan akong magisa sa bahay. Nagstay ako sa sala at nanuod ng kung anong palabas sa TV nang may marinig akong katok mula sa pintuan.

Binuksan ko ito at tumambad ang mukha ni Seungcheol. Ang perpektong mukha niya. Just as I've thought na pupunta siya.

Ngumiti ako sa kaniya at pinapasok sa loob. Katulad sa mga bisita ay hinainan ko din siya ng makakain at nagkamustahan ng kaunti. But we both know what the awkward space was doing to us.

Bumuntong hininga muna siya at sumimsim sa juice. Ibinaba niya ito at Ngumiti ng tipid sa akin saka nagsalita. "Juliane, I think you already know what I came here for. Yes, it's about you, Mingyu, me.. Probably, us. Hindi ko alam kung tama pa bang ang nararamdaman ko. Dahil hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. May ibang tao din."Sandali akong napaisip. Nakikita kong hindi si Mingyu ang tinutukoy nito.

" Bakit ang manhid mo? "usal ko at tumingin sa kaniya ng diretso. Ganun din siya sakin. Matagal kaming nagsukatan ng tingin at siya na mismo ang nagiwas ng tingin. Ngumisi siya at tumayo sa upuan.

"Siguro nga.." Ang huling salitang sinabi niya bago Umalis sa harap ko.

Just A Fangirl 1 : Trauma|| Mingyu FF (SVT Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon