JAF : Trauma || Mingyu FF (SVT Series)
"Pindutin mo yung star sa babang kaliwa. Magic,magiging orange!
Tas,yung sa tabi ng Star,may Comment box. How's my works?"[Juliane's PoV]
"Gusto mo rin ba si Juliane?" Kakatok na sana ako kung hindi ko lang narinig ang tanong na yan. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan at nakinig. Walang tao sa loob ng bahay kaya naisipan kong katukin ang bawat kwarto.
"Oo. And I'm willing to take care of her heart. So anong sagot mo?" Boses yun ni Seungcheol. Ba't parang anlapit niya sa pintuan?
"Well.. ipaglalaban ko siya. By hook or by crook." Boses naman yun ni Mingyu. Namula ako habang pinapakinggan ang usapan sa loob.
"WEYT LANG GUYS! Kung pareho niyo nga siyang gusto.. eh gusto niya ba ang isa sa inyo?" Boses naman yun ni Jun. Teka lang, lahat ba sila nasa loob??
"Kung tama man si Mingyu, may mas malaki kang chance, Cheol. Kung nagseselos nga talaga siya sa TzuGyu ship, edi may chance naman si Mingyu." Paliwanag naman ng boses ni Jeonghan.
"Boys, wala man akong alam tungkol sa babaeng kinalolokohan niyo, sa tingin ko naman mabait siya at parehong close sa inyong dalawa. Pero hindi dapat masira yung friendship niyo, lalo na't magkasama kayo sa isang grupo. Seventeen won't be one hell of a group kung wala ang isa sa inyo. She's just a girl." Ibang boses naman 'to. Boses babae?
"Louise, she's not just a girl.. she's more than what a guy wants. Hindi mo lang siya magugustuhan dahil may physical beauty siya. She's that one na kakailanganin mo. She's what a guy needs." Si Seungcheol nanaman. Sa totoo lang, kanina pa ako nafaflatter sa sinasabi nila. Feeling ko nag-ala labuyo na yung mukha ko sa pagkapula.
"Tama si Seungcheol, Louise. But, still, I'm willing to take the risk just to make her mine." Si Mingyu naman to >//_//<
"We'll see about that.." si Seungcheol naman. So much eavesdropping for today . Sa tingin ko kailangan ko muna bumalik kila Euly. Nakakatense 'to ha. Hindi ko kayang magkaroon ng awkwardness sa bahay na 'to. Napatingin ako sa doorknob na gumagalaw na mukhang may lalabas kaya agad kong sinuot yung headset ko at kakatok sana nang mabuksan 'to. Bumungad ang mukha ni Coups na mukhang gulat na gulat. Nandun nga silang lahat sa loob at mukhang nagmimeeting. NAKANANG! SI SAMUEL BA YUNG NASA LOOB? OMG.
"Hi?" I tried to sound like I heard nothing at all. Convinced naman ata yung mukha ni Cheol at pinapasok ako. Nagkunwari akong tinanggal ang headset na parng kanina pa ako nakikinig. Waaaahh ang lakas ng tibok ng puso ko. Lahat sila nakatingin sakin. Tahimik. Pati si Samuel at yung babaeng tinawag ni Cheol na Louise.
"AAAHHH NAMISS KA NAMEEEENNN!!!!" Sigaw ni Hoshi saka sila tumakbo papalit sakin. Nanlaki ang mata ko at wala na akong chance na tumakbo kaya pumikit na lang ako at hinintay na madumog.
"Guyth di na ako makahinga ..." ani ko at humiwalay naman sila. Osya, imagine being hugged by 11 boys. Take note: 11 BOYS OF SEVENTEEN. Jusko kahit malagutan pa yata ako ng hininga kaso may sitwasyon ngayon eh anubayaaaaaan.
"Namiss ko din kayo." Sabi ko.
"So.. sa tingin ko naman narinig mo na lahat. " biglang nagsalita yung Louise ata. Umakto akong kunwari di ko alam at kinunot ang noo ko.
"Nang lumabas si Ivy para kumuha ng pagkain, nakita kita na naghahanap sa amin. Hindi ka siguro napansin ni Ivy kaya hinayaan na lang kita na makaabot dito." Explain niya. Oh my gosh. Napatingin naman ako sa iba at huminga ng malalim.
"T-tama siya..." pag-amin ko at napatakip ng bibig si Vernon. Luh..
"Edi sagutin mo ang universal question ng Seventeen!" Singit naman bigla ni Wonwoo.
"Na ano?"
"Sino ang idedate mo between Seungcheol and Mingyu?" Dagdag ni Joshua. Napakunot ang noo ko at sumagot..
"A-ano.. si Mingyu.." Nakatitig sila sakin. Bakit parang nahati tong grupo nila? Kalahati nasa panig ni Gyu at yung kabila kay Cheol. Ow em.
"I-i mean.. I-inaya ako ni G-gyu na mag-friendly date kami b-bukas.. " nauutal kong paliwanag. Bigla namang lumabas si Cheol ng sala. gaaaaahh! Ang hirap naman neto!
_____________☆_______________
Matapos ang pangyayaring yon, napagdesisyonan ko na ngang umuwi dito. Si Louise, nagaya ng "girl's night in" sa practice room ng Seventeen. Nagpaalam naman na daw siya kaya sa amin na sa gabing yon ang kwarto.
Kaming tatlong babae lang naman ang nandun. Si Ivy, ako, at si Louise. May dala pa kaming Snacks, water bottles at naglatag sa sahig ng higaan. Naglagay din kami sa center namin ng maliit na lava lamp. Naks camping.
"Okay, magpapakilala muna ako. Louise Y. Pallasigui. Ria ang nickname ko. Pinsan ako ni Jeonghan. Magtetraining ulit ako as an idol. Kung hindi ako umuwi dati, member na sana ako ng Pristin." Sabi niya. Napatango tango naman kami sa kaniya. Nagpakilala din kami.
"So anong ganap, how did you made those two boys inlove with you that bad?" Louise smirked at kumain sa chicheryang dala namin.
"I swear, I didn't know. Akala ko hanggang panaginip lang yun. Akala ko okay nga lang eh. Kaso sobra pa sa okay tong sitwasyon kong napasukan." Paliwanag ko. Totoo naman. I, myself was shocked either after knowing na may gusto silang dalawa sakin. Napatingin naman ako sa pinsan ko. Nakikinig lang siya. Alam kong may gusto siya kay Seungcheol kaya hindi ako nagpapadalos dalos sa choices ko ngayon.
"Why don't you give them their own takes? Pwede mo naman silang bigyan pareho ng chance na magpasikat sa'yo." Ivy said out of nowhere. Pero sincere siya habang sinasabi niya ang mga salitang yun. But there's bitterness na nakikita ko sa mata niya. She's hurting.
"Oo nga naman, Jul." - Louise.
"Hindi ko pwedeng hayaan sila pareho. I can't choose both." Sabi ko.
"Pero--""Louise, alam kong sa tingin mo makabubuting bigyan ko sila ng chance. Pero kung pati feelings ng pinsan ko masasama, I'd rather say no to both of them. Walang masasaktan. Even if I choose Mingyu, He'll definitely claim his real feelings for Tzuyu." Paliwanag ko.
"I'm out of here." Seryosong usal ni Ivy at lumabas ng practice room. Naiintindihan ko naman siya eh. Tanging ang kantang Heartbreak Girl ng 5SOS ang naririnig sa buong practice room. Walang umiimik.
"Pero, Ivy, hindi mo naman pwedeng takasan yung nararamdaman mo para kay--""Oh stop it, Juliane! you have him. you won. Hayaan mo ako sa gusto kong gawin!" she cut me of with that shout. that shout that had my eyes widen.
"Hindi lang naman kasi ikaw ang masasaktan! lahat tayo!" Sa pagkakataong ito, tumayo ako at pinigil ang luhang nagaambang bumaba. hindi ko iniexpect na mangyayari 'to sa amin. Pinsan ko si Ivy and I grew up being with her. She's like a sister to me. Kung hahayaan ko siya sa ganiyan, para ko na ring binasura yung pagkakaibigan namin.
"Hah! kasama ka? Eh, ikaw na nga 'tong nagkaroon ng pagkakataon, eh. saka ano bang alam mo sa nararamdaman ko? dalawa na nagkakagusto sayo, poproblemahin mo yung sa akin. cut it!" she fired back. hindi ako nakaimik at nakatayo lang dun. pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi at bubuksan ang pinto ngunit napaatras din nang sumalubong sa kaniya si Seungkwan.
BINABASA MO ANG
Just A Fangirl 1 : Trauma|| Mingyu FF (SVT Series)
FanfictionSa mundong ginagalawan natin ngayon uso na yung kpop kpop na yan. Andyan yung mga Fangirl ng mga K-pop Groups ng bansang Korea. Syempre kung may Fangirl may basher din. 'Di naman mawawala yon diba? Si Juliane Alcera na isang fangirl ay nagkaroon nan...