Trauma 26

12 2 1
                                    

JAF : Trauma || Mingyu FF (SVT Series)


"Pindutin mo yung star sa babang kaliwa. Magic,magiging orange! Tas,yung sa tabi ng Star,may Comment box. How's my works?"


----


Days passed at naging abala sila para sa susunod nilang mini album na AI1. Kami naman ni P. I., naghahanda para umuwi ng pilipinas. Isang taon kami dun at balik korea nanaman. The contract always goes in 1 year work - Vacation. 

Everyone was sad dahil uuwi na kami but they were all waiting for the time we'll come back.

"You'll be back. Right?" Mingyu who looked at me with an assuring look. I nodded and smiled. I even kissed him in the cheek as a sign of goodbye. 

Niyakap ko naman si Coups at yung iba pang lalaki. Lalo na si Euly na naiiyak pang yumakap sakin at napayakap na kay Hanbae hahaha.

Matapos ang isang taon, ang daming nangyari, paniguradong hindi maniniwala ang kapatid ko kung sabihin kong umamin si Mingyu at S. Coups na may gusto sila sakin. 

Sa tingin ko din naman, masyadong personal kaya hindi ko na muna sinabi sa kaniya.

"So, ate Jul, wala ka bang balak makipag-usap sakin? Kasi kung sa tingin mo super personal, wag mo na tingnan. Pati yung mga kaklase kong carat, mukhang gusto na akong salvage-in dahil sa issue niyo ni Kim, Mingyu. Maygad! Nananahimik ka dun tas biglang magtetext si kuya Sol (Vernon) na dun ka na nakatira sa kanila.. Explain!" Hingal na sabi ng kapatid ko. Sunod sunod ba naman yung salita eh.

"Eh anong sasabihin ko?" Sumandal ako sa poste ng double deck namin at gumamit ng phone.

"Totoo ba??" Tanong niya nanaman at pinakita ang isang taon nang rumor na nagdedate daw kami ni Mingyu. Gusto ko sana sabihin na totoo yun kaso naalala ko na after nung MNBall, si Mingyu at Tzuyu ang naissue.

"Hindi mo pa ba alam yung kila Tzuyu?" Tanong ko. Bigla namang umarko ang kilay niya at bumusangot ang mukha.

"Muntik na akong mabully dahil sa issue niyo pero thank you sa source ko nang malaman kong natapunan mo ng di sinasadya ng wine yung panget na Taiwanese na yun." Sabi niya. Sino ba nagsasabi ng mga ginagawa ko sa kaniya??

"Eh, sandali, sino ba nagsabi sa'yo ng mga pangyayaring yan? Sa pagkakaalam ko, hindi kayo masyadong close ni Hansol at busy si P.I." she grinned at sumandal sa shelf namin ng libro.


"Well, noon yun na hindi kami close ni Kuya Sol. Malapit na nga kaming maging magbestfriends eh. Si ate P.I. naman nagsabi nung sa MNetBall." Nakangisi niyang paliwanag habang nagbabasa siya ng libro.

Umirap na lang ako at bumaba para kumain. Nagring ang doorbell. Sa pagkakaalam ko, wala kaming inaasahang bisita. Nasa kusina si Mama at nanunuod naman ng Basketball si Papa kaya ako na ang nagbukas.

"Annyeonghaseyo." Malalim ang boses ng lalaking ito at medyo paos. Lima sila. May ibang nakaputi pero most nakaitim.

"Sino ho sila?" Tanong ko. Nako, baka kulto tong mga to. Magsasalita pa lang sana yung lalaki na may cap at mask sa mukha nang sumigaw ang kapatid ko. Bumaba siya at nang makita niya ang lalaki ay nanahimik siya.

"Pwede ba munang pumasok?" Sandali.. pamilyar 'tong boses na 'to ha?

"Vernon?" Bigla niya namang inangat ang cap niya. SI VERNON NGA! Kasama niya sila Minghao, DK, Woozi, at.. Mingyu???Ngumiti siya sakin at ngumiti naman ako pabalik. Sobrang hindi ko inaasahan 'tong pagdating nila. Apat na buwan pa lang matapos ang mini album nila. Kung si Vernon naman, ayos lang dahil kaya naman niyan gawing Makati to Alabang ang Pilipinas at Korea.

"Ma, sila Vernon, nandito." Sabi ko at pinapasok sila. Napatango tango naman si mama at tinulungan akong hainan sila ng cake na binake kahapon ni mama.

"So, sino naman sa inyo yung may gusto sa ana--""papa!" Muntik na akong masubsob nang tanungin yun ni papa. Buti na lang nakarating agad ako sa sala.

"Ano? Hindi ko naman iisipin na si Hansol yun dahil alam kong nobya niya si P. I.. Kaya sino kila DK, Hao, Ji, at Min Gyu ang manliligaw sa'yo." Paliwanag ni papa at uminom nang kape. Parang ako pa nakalunok ng sandamakmak na kape eh! Nakakanerbyos 'tong mga linyahan ni Papa!

"A-ako po." Biglang salita ni Mingyu na nagtaas pa ng kanang kamay. Biglang sumeryoso ang mukha ni Papa. Napalunok ako ng laway at bahagyang napasandal sa kinauupuan ko.
"Oh. My. Gosh." Nanlalaki ang mata at nakasandal sa pader ang kapatid ko at nakatingin sa mga bisita namin. Napatingin naman yung lima at si Papa sa kaniya.

"Hi Bruh." Si Vernon.

"B-b-bruh.. si.. yung.. puso ko..." napahawak siya sa dibdib niya. Partida kapit na kapit sa phone niya. Nagpanic naman sila at mukhang nasira ang momentum ni Papa. Alam niya kasing umeentrada lang to.

"Nak, nagkatol ka nanaman ba?" Yan ang iniisip kong tanong ni papa pero nagkamali ako.

"Tumigil ka nga jan. Pumunta ka ng kusina at kumuha ng maiinom ng mga bisita natin." Tumango tango naman yung kapatid ko at saka naglakad patungong kusina.

"MAMAAAAAAAAAAAA YUNG MGA BOYFRIEND KO NASA LABAAAAASSS!" Napatakip ako ng mukha at isiniksik ang sarili ko sa upuan. Nakakahiyaaaa. Natatawang nakatingin sa cellphone niya si Vernon at mukhang vinivideo ang kabaliwan ng kapatid ko. Tumikhim naman si Papa at nabaling na ulit sa kaniya ang atensyon ng lima.

"So, Min Gyu--""Mingyu, papa." Pagkocorrect ko.

"Okay, Mingyu. Kelan mo balak magsibak ng kahoy, mag-igib ng tubig, at manghaharana para sa anak ko?" Sabi ni Papa na lalong nagpafacepalm sakin. Ako na lang ba at si Mama ang matino sa pamilyang 'to? Mukhang hindi nagets ni Mingyu yung joke ni Papa dahil si Minghao at Vernon lang yung tumawa.

"De, joke lang. Ang ibig kong sabihin, kelan mo balak magsimula ng panliligaw sa anak ko?" Deretsahang sabi ni Papa. Mukhang dun talaga nagulat si Mingyu. Hot seat .

"A-ahm, kung kailan po ba siya p-pwede at kung p-papayagan niyo a-ako." Nauutal na sabi ni Mingyu. Napatayo na talaga ako at nagpunta sa kusina.

"ATE, AKALA KO NAMAN SI KUYA VERNON LANG NANDUN, YUNG BIAS WRECKER KONG SI MINGHAOOOO!" Pigil ang tiling sabi ng kapatid ko. Umirap ako sa kaniya at kinuha ang tray ng Juice.


"Shut up. Nakakahiya ka kanina." sabi ko at lumabas. Binaba ko yung mga inumin at nakita sina Papa at Mingyu na nagkakamayan na. Bakit may handshake? anong meron? Tinaasan ko ng kilay si Mingyu pero ang pagngiti lang ng pangil niya ang nakita ko. Okay?



Just A Fangirl 1 : Trauma|| Mingyu FF (SVT Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon