Ngiti

323 7 0
                                    

Mga salitang mahirap pagtagpiin upang mailarawan ang ngiti na iyong ipinapakita sa tuwing aking masisilayan

Mga ngiti na tanging ikaw lang ang nakakapagbigay saya sa lungkot na nadarama

Mga ngiti na kayang pawiin lahat ng sakit na aking nadarama

Mga ngiti na hindi maikukubli ng kilig na dumadaloy sa aking katawan

Mga ngiti na tila nagbibigay pag asa upang harapin ang laban ng walang pangamba


Mga ngiti na walang makakapantay sa aking nadarama


Mga ngiti na kadalasan ay sa iba ko nakikita


Mga ngiti na hindi ako ang dahilan


Mga ngiti na sa kanila ko nakita at hindi mawari ang lungkot at sakit na nararamdaman


Lungkot na hindi ako ang dahilan ng iyong pag ngiti

Sakit na sa tuwing ika'y kaharap ngunit hindi mo magawang ngumiti

Nakakapanlumo, nakakadurog, naghihinagpis ang puso kong sabik sa iyong hindi pag ngiti

Wari't nakikiusap na sana'y sa muli nating pagkikita ika'y nakangiti

Nakangiti ng puno at walang pag aalinlangan at ako ang tanging dahilan

Dahil mahal, sa iyong simpleng pagngiti


Nagagalak at nag uumapaw ang tuwang aking nararamdaman

spoken poetryWhere stories live. Discover now