Paano ko ba sisimulan? Saan ko ba sisimulan?
Hindi ko alam paano ko aaminin lahat sa iyo ito.
Alam kong walang patutunguan tong pag amin ko sayo, ngunit gusto kong malaman mo na gusto kita
Gusto kita, gusto kitang mapa sakin, alagaan at mahalin tulad ng pagmamahal na iyong hinahangad.Naalala mo ba nung mga panahon na tila palagi kitang inaaway?
Tunog ko na kasi na my gusto ka sa akin, ngunit ginawa ko ang lahat mapalayo ka lang sakin.
Lumipas ang araw, linggo at buwan,
Ito ka na naman, nagparamdam ulit, at ako?? patuloy na inaaway ka. Inaaway ka dahil may dahilan, hindi dahil gusto lang kitang awayin.
Inaaway ka, hindi dahil hindi yun ang aking nais, bagkos ay yun ang nararapat.Isang araw, tinanong mo ko, ndi ka ba nagandahan sa akin kahit minsan?
Takot na takot ako sumagot dahil baka ako ay iyong mahuli.
Ngunit naglakas loob ako sagutin at napangiti naman kita.Nagdaan pa ang mga araw ay naging ayos tayo, ngunit sa bawat araw na nagdadaan ay palagi kitang pinapaalalahanan na hindi maaari, hindi ito tama.
Habang ikaw ay aking pinapaalalahanan, ako naman, ito unti unting nahuhulog, nahuhulog sa iyo ng hindi mo namamalayan.
Pinilit kong ilihim at itago ang tunay na nararamdaman at pilit kang tinutulak palayo.Laking pagkakamali ko, dahil ngayong wala ka na, ako naman itong hulog na. Sana, sana una pa lang hindi na ako nagmatigas pa, sana hinayaan ko na, baka masaya pa tayo ngayon.
Aaminin ko, kasalanan ko, pero kung may pagkakataon man, itatama ko ang lahat.
Mamahalin kita, iintindihin, aalagaan at ibibigay sayo lahat.Ngayong hawak ka na ng iba, masaya ako, masaya ako para sayo.
Patawad, patawad dahil laking duwag ko dahil hindi ko maamin ang tunay na nadarama sa iyo.
Laking duwag ko dahil hindi ko nasabi lahat ng ito sayo.Patawad.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.