Akala ko ba ako lang?? Akala ko ba panghahawakan natin ang ating mga pangako??
Akala ko ba IKAW at AKO lang?
Akala ko ba lalaban hanggang dulo?
Akala ko ba walang bibitaw??
Ngunit bakit ikaw ang unang bumitaw??Bumitaw sa pangakong ako lang.
Bumitaw kasabay ng pagbitaw ng iyong pagmamahal sa akin???
Sadyang ganun ba talaga? Kapag may bago na bibitaw na lang bigla.Sa aming dalawa, ako ang LUMA,
Luma na handa kang mahalin sa lahat ng aspeto ng iyong buhay,
Luma na kayang tanggapin ang iyong pagkatao,
Luma na iintindihin ka sa lahat ng topak mo.
Luma na naghihintay pa din sayo.At siya, siya na BAGO mo.
Bago mong pinagkukunan ng saya,
Bago mo na hindi ka kayang mahalin,
Bago mo na sinasamantala ka lang,
Bago mo na kahit kailan ay hindi magseseryoso sayo.Nakakalungkot isipin na dahil sa bago mo ay ganun-ganun mo na lang itatapon ang luma mo.
Sa isang haplos ng bago mo, tinalikuran mo ang luma mo,
Luma mo na tila naghihintay sa pag-uwi mo.
Sa pag-uwi mo sa bisig ko, kahit na ikaw ay may bago.Bago na kailan man ay hindi mapapa sayo,
At babalik ka sa luma mo, sa luma na totoong nagmamahal sayo,
Luma mo na handang magsakripisyo para sayo.
Ngunit ang luma mo ay tuluyan na din lalayo.Lalayo, hindi dahil hindi ka na mahal,
Lalayo dahil iyon ang tama,
Lalayo dahil darating ang panahon,
Panahon na may bago ulit sa buhay mo,
At ang luma ay tatalikuran mo.Tatalikuran mo dahil sa bago mo,
Tatalikuran dahil meron ang bago mo na wala sa luma mo.
At kapag nanawa sa bago ay babalik,
babalik ka na naman sa luma.Nakakapagod at nakakasawa na.
Nakakapagod maging pangalawa sa buhay mo.
Nakakasawa maniwala sa pangakong napapako lang.
Kailan ba??? Kailan ba magiging bago ang luma mo??
At kailan ba mananatiling ako lang ang BAGO para sa iyo??
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.