Isang Buwan

65 2 0
                                    


Isang buwan na ang nakakalipas simula nang umalis ako,
Umalis ako sa lugar kung saan ay kuntento at puno ng kaligayahan,
Isang buwan simula ng nadurog at naghinagpis ako sa pangyayaring hindi ko inaasahan,
Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganitong paalamanan.

Isang buwan na, isang buwan na ang nakakalipas, ngunit bakit??
Bakit tila hindi naghihilom ang sakit na aking nadarama?
Balit tila hindi ko alam paano ko bubuuin ulit ang aking sarili??
Bakit tila hirap na hirap ako bumangon???
Bakit mas malala pa to sa break up n naranasan ng karamihan???
Napakasakit! Napakasakit isipin na lahat ng pangarap at ambisyon ko ay mawawala lang ng basta-basta.

Isang buwan na, ngunit durog na durog pa din ako, durog sa isang bagay na walang katotohanan,
Paano at san nga ba magsisimula ulit?
Bakit tila ang hirap tanggapin?
Bakit ang hirap makausad??

Ngunit huwag mag alala, dahil lahat ng ito ay pinalipas ko na,
Pinatawad ko na din ang mga taong nanakit sa akin lalo ka na, lalo na kayong dalawa na dahilan ng sakit na aking nadarama.

Masakit man, ngunit pipilitin kong bumangon at buuin ang aking sarili,
Hahanapin at magsisimula ulit,
Magsisimula at tatalikuran lahat lahat ng ala ala na nagdudugtong sa atin.
Tatalikuran ang mga taong hindi dapat upang makapagsimula ulit,
Makapagsimula ulit ng hindi na kayo kasama.

Matagal na panahon ang kailangan gugulin upang mabuo ulit ang aking pagkatao, ang nadurog kong puso at pagkatao.
Panahon na para bitawan lahat,
Iwan lahat, magpaalam sa lahat.
Panahon na para hanapin ang aking sarili,
Panahon na para mahalin ko naman ang aking sarili.

Huwag mag alala, dahil lahat ng sakit at hinagpis na inyong pinadama ay babaunin ko san man ako magtungo,
Magsisilbing lekyson at inspirasyon sa pagbuo sa nasira at nawala kong pagkatao.
At sa lahat ng masasayang ala-ala na pinaranas nila ay mananatiling nakatago sa aking puso.

Masakit man tanggapin ngunit kailangan.
Kailangan, dahil yun ang makakabuti sa nakakarami.
Tuluyan man mawakasan ang lahat ng pinagsamahan ay mananatili kayo sa aking puso at isipan.

spoken poetryWhere stories live. Discover now