Panganay

108 5 0
                                    

Ito ay handog ko sa una at pinaka panganay kong anakis.

Panganay? Bakit nga ba panganay??

Dahil ikaw, ikaw ang nagsilbing panganay sa loob ng klase.

Klase na kung saan ay bente nuebe ay hindi.

Hindi pala bente nuebe, kundi bente otso na kung saan ay napakahirap pakibagayan, sawayin at saksakan ng kulit ang kailangan mong pasunurin.

Ikaw na naging panganay ko sa klase,naging president at naging katuwang ko habang nilalakbay ang isang taong kasama kayo.

Ikaw na nagsilbing kaibigan ko, karamay ko, kaasaran at naging katampuhan dahil sa hindi inaasahang pagseselos.

Ikaw na handang tulungan ako sa lahat ng bagay.

Ikaw na hindi lang sa klase, ngunit sa mga kapatid mo na nagsilbing mapagmahal na ate.

Salamat dahil may isang R na dumating sa buhay ko, 

R na maaasahan ko sa lahat, 

matatakbuhan ko kapag ako ay nalulungkot at may problema.

R na minsan ay nagpapaka ate sakin o hindi kaya ay nagpapaka baby sa akin.

R na hindi ko ipagtatabuyan at iingatan hanggang sa dulo.

R na matatawag kong KAIBIGAN.

Gusto kong humingi ng tawad sa kasalanan at pagkukulang ko sa iyo ng mga panahong wala ako sa tabi mo.

Tawad na hindi ko nahingi nung mga panahon na gusto mong marinig sa akin.

Ngayong magkalayo na ang landas natin,

At ikaw ay dalaga na.

Dalaga na at may sarili ng mundo kinabibilangan ay huwag sana.

Huwag sanang makalimot sa ating pinagsamahan.

Makalimot na sa tuwing ikaw ay nalulungkot at nalulumbay ay andito ako.

Andito ako handang dumamay, magpaka ate at maging KAIBIGAN mo

Kaibigan mo na handang samahan at damayan ka sa lahat ng pagsubok mo.

Muli, maligayang kaarawan R, nagmamahal nay. Iloveyou nak!

spoken poetryWhere stories live. Discover now