Bakit?
Punong-puno ng bakit.
Mga katanungang naipon sa aking isip.
Mga kasagutan
Na sa akin ay ipinagkait.Bakit nga ba humantong sa
Sitwasyong hindi inaasahan
Na tanging ikaw lang ang nakakaalam?Bakit nga ba pinatagal?
Kung wawakasan mo lang din naman?
Tila ako'y naguguluhan
Saan nga ba nagkamali?
Saan nga ba nagkulang?
Ako ba ang nagkamali?
O ikaw??Sabi mo mahal mo ako,
Sabi mo tanggap mo ako,
Ang pagkatao ko?Sabi mo walang susuko.
Ngunit bakit?Bakit ikaw ang unang sumuko sa pagsubok na wala man lang linaw.
Bakit bigla mong binitawan?
Binitawan ang pusong kapit na kapit sa iyong pagmamahal
Na tila ay biglang naglaho na parang bula.
Bakit nga ba nawala?
Bakit nga ba naglaho?
Bakit nga ba nagsawa?
Bakit kung kailang ako'y hulog na hulog na, Bigla mo ng binitawan.
Wari'y napaka raming katanungan sa aking isipan
Na wala man lang kasagutan.Mga tanong na hanggang ngayon ay walang linaw.
Mahal, pagod na ako.
Pagod na ako sa mga katanungang
Kailan man ay hindi mabibigyang linaw.Mga katanungang,Ikaw lang ang makakasagot.
Mahal, ipapaubaya ko na ang lahat.
Iiwan ang katanungan at sakit na aking kinimkim sa mahabang panahon.
At ako'y tuluyan ng aalis,
Aalis na walang iiwang bahid ng alaalang bukod tanging ikaw ang kasama.
Salamat mahal!
Salamat sa lahat,Salamat sa saya at alaalang iyong inalay.
Salamat sa maiksing panahong ako'y iyong minahal.
Salamat sa aral na iyong idinulot at pang habang buhay kong dinadala.
Salamat mahal.
At ngayon ay wawakasan ko na ang kwentong ikaw at ako ang nagsimula.
Salamat mahal at paalam.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.