Mga ala-ala, ala alang nabuo sa apat na sulok ng silid na ito
Mga ala-alang hindi matutumbasan ng kahit na ano
Mga ala-alang nagdulot ng lungkot, saya, at maraming aral
Aral na nagdulot at nagdugtong sa samahang Ina at anak
Hindi lang basta ina at anak, kundi bilang isang magkapatid, magkaibigan at kadalasan ay kaaway.
Ala-alang nabuo sa silid ng grade 5 – virtuosity,
Sa silid, sa silid ng grade 5 – virtuosity.
Na kung saan ay tila halo – halo at samo't – samong ugali ang masisilayan.
Masungit, mabait, tahimik, mataray, madaldal, makulit at magulo.
Mga ugaling mahirap intindihin, unawin at bigyan ng pansin.
Mga ugaling sa akin lang ipinakita, at aking tinanggap at minahal.
Mga ugaling katotohanan at walang halong kaplastikan.
Tila hindi nagging madali sa akin ang isang taong paglalakbay na kasama kayo,
Paglalakbay na puno ng pagsubok, balakid at paghihirap.
Mahirap, napaka hirap.
Ngunit ang paghihirap at sakripisyo na ito ay nauwi sa isang magandang samahan.
Samahan na walang makakapantay.
Salamat! Salamat sa samahang walang makakatubas sino man,
Samahang puno ng saya ang idinulot sa aking buhay.
At sa tigas ng ulo na wari ay naglalambing sa akin.
Sa aral na babaunin ko pang habambuhay.
Salamat sa ala-alang walang makakapantay.
Patawad ah!
Patawad dahil hindi ko na maipagpapatuloy pa ang sayang naidulot simula pa nung makalipas na panahon.
Patawad dahil biglaan ang aking paglisan,
Patawad dahil hindi ko na maibibigay pa ang yakap, at karamay na palagi niyong hinihingi.
Patawad dahil hanggang dito na lang.
Hanggang dito na lang dahil kailangan ko ng lumisan.
Lumisan, lumisan dala – dala ang mga ala-alang ating pinagsaluhan.
Mga ala –ala, mga ala-alang ating binuo ng sabay – sabay,
Mga ala-alang puno ng saya, lungkot at aral.
Salamat aking mga mahal,
Salamat sa ala – alang inyong inalay sa akin.
Salamat, patawad at ako ay lilisan na.
Paalam na aking mga mahal.
Paalam na mga anak ko.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.