Bulag

167 4 0
                                    

Ano nga ba ang bulag?
Paano mo ba masasabi na ang isang tao ay bulag??
Ang batayan lang ba ng pagiging bulag ay ang taong hindi makakita?
O hindi kaya ay ang mga may kapansanan??

Para sa akin ay hindi, hindi lang sa may kapansanan ang salitang BULAG.
Ay mali, hindi pala LANG, hindi talaga para sa mga may kapansanan ang salitang bulag,
Kundi ito ay para sa mga taong nakakakita.
Nakakakita ngunit bulag!
Bulag sa katotohanan.

Katotohanan na siyang magpapalaya sa mga bagay na hinahanapan ng kasagutan at kaligayahan.
Kasagutan, kasagutan sa mga tanong na alam mo naman ang sagot ngunit pilit kang nag bubulag bulagan.
Kaligayahan, kaligayahan na nasa harap muna ngunit binalewala at pinalampas mo pa.

Bulag, bulag sa Pag-ibig.
Pag-ibig na puro puso,
Puso ang pinapagana ngunit patuloy na nasasaktan.
Pag-ibig na utak,
utak ang pinapagana ngunit hindi tunay na masaya.
Pag-ibig na wagas,
Wagas ang pagmamahalan ngunit hindi na tama.

Masakit man aminin ngunit karamihan sa atin ay BULAG,
Bulag sa pamamaraang nakikita na ang katotohanan ngunit mas pinipiling pumikit.
Pumikit na walang nakikita at ituloy ang isang bagay na hindi na magbibigay kaligayahan,
Kaligayahan at puno ng katotohanan.

Imulat mo, imulat mo ang mga mata mo.
Mga mata mo na handang tanggapin,
Tanggapin, yakapin at mahalin mo.
Mahalin mo ang katotohanang magpapalaya sayo.
Magpapalaya sa sakit, pait at pighating dinaranas mo.
At tuluyang magbigay liwanag sayo.
Liwanag sa bulag mong pagkatao.

spoken poetryWhere stories live. Discover now