Mahal Ko

226 2 0
                                    

Hi mahal! Kamusta ka?
Ayos ka lang ba???
Kumain kna ba??
Mag iingat ka ahhh??
Mga salitang aking laging sinasambit sa tuwing ika'y aking kausap.

Mahal, naalala mo pa ba yung mga panahong tayo ay nagsimula sa simpleng batian?
Hanggang nauwi sa sa pagiging magkaibigan.

Pagkakaibigang binuo ng kwentuhan, asaran, iyakan at damayan.
Pagkakaibigang binuo ni tadhana, tadhana na masyadong mapaglaro.
Mapaglaro, dahil sa isang banda ang pagtingin ko bilang kaibigan ay tila napalitan ng pagmamahal.

Pagmamahal na buo at walang pag aalinlangan,
Pagmamahal na handang ipaglaban at ipagsigawan sa mundo,
Pagmamahal na hanggang dulo ay hindi ka bibitawan at iiwan.

Alam ko mahirap paniwalaan ang aking mga sinambit,
Dahil ikaw ang tipo ng tao na hindi basta maniniwala sa lahat ng bagay,
Ngunit, hindi ito magiging hadlang upang ika'y aking sukuan.

Alam ko din na mahirap intindihin ang natatangi mong ugali.
Ugali na walang katulad.
Ugali na aking minahal ng lubusan.

Gayon pa man ay iyong pgkatandaan,
Na kahit gaano kasaya, kahirap o kasakit ang ating pinagdadaanan ay mananatili akong nakakapit at hinding hindi ka iiwan.

Ilan mang unos o bagyo ang dumaan,
Gibain man o sirain ay tila mananatili akong matibay at matigas sa iyong tabi
Patuloy na lumalaban at magsisilbing iyong sandalan.

Kaya aking mahal,, wag mangangamba na sa akin ay lumapit,
Dahil ako ay mananatiling bukas aa iyong pagdating.
Magsisilbing panyo, unan at tirahan sa tuwing ikaw ay nasasaktan.

At buong buo kong yayakapin at kukunin ang lahat ng hinagpis na iyong nadarama,
Higit sa lahat ay lubos kong tatanggapin at mamahalin ang isang IKAW!

Kaya mahal,, salamat ha?
Salamat sa iyong pagdating at tuluyan mong binigyan ng kulay ang mundo kong punong puno ng kalungkutan.

Salamat aking mahal!

September 7, 2019

spoken poetryWhere stories live. Discover now