Paano nga ba nagwakas??
Saan ba natapos? Ano ang dahilan ng pagkakawasak nating dalawa?
Ang masayang pagsasama, bakit humantong sa dulo??
Dulo na dapat kamay ko ang hawak, hawak mo.
Dulo na iba na ang kasama mo.Sino ba ang nagkulang??
Sino ba ang nagkamali???
Ako ba na ang dahilan ng aking paglayo ay sa ikakabuti natin, o ikaw?
Ikaw na tuluyan ng bumitaw at may bago ng pinanghahawakan?Napakasakit isipin na sa isang iglap ay bibitawan mo ang lahat ng ating pangako.
Pangako na binuo nating dalawa,
Pangako na sabay nating tutuparin.
Pangako na ako na lang ang kumakapit at pinagpapatuloy pa.Tila, ikaw at ikaw pa din.
Ikaw pa din ang hanap hanap ng aking damdamin,
Damdamin na tila ay iyong ginising sa pagkakatulog ng mahimbing.Pinipilit kalimutan ang sakit na iyong idinulot,
Pinipilit takasan ang mapait na nakaraan,
Pinipilit itago ang lungkot na dumadaloy sa aking buong katawan.
Pinipilit tumawa sa karamihan at patuloy na nagpapanggap lalo na sa iyong harapan.Ngunit, ngunit, ngunit....
Sa isang banda ay umiiyak, sumisigaw at kumakawala ang puso ko.
Puso kong puno ng sakit ang nararamdaman at tanging ikaw lang ang laman.Hanggang kailan magtitiis? Hanggang kailan magdudusa??
Na sa tuwing pag pikit ng aking mata ay larawan mo ang nasisilayan,
Na sa bawat sulok ng aking silid ay ala-ala ng ating pinagsamahan ang nakikita.Mahal, alam kong may iba ka ng iniibig,
May iba ng nagpaparamdam ng kaligayahan na iyong inaasam.
Aaminin ko, napakasakit, ngunit kailangan ko ng tanggapin.
Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan, katotohanan na hindi na ako ang iyong mahal.Darating ang panahon na maghihilom ang puso kong wasak at durog sa iyong pagmamahal.
Pagmamahal na ikaw lang ang tanging nagbigay.
Pagmamahal na hahanap-hanapin ko.
Pagmamahal na ikaw ang ninanais.
Ikaw at ikaw pa rin.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.