Movie Marathon

77 6 0
                                    

Aking kaibigan, salamat ah!

Salamat sa apat na buwan nating pagsasama, pagsasamang puno ng kalokohan.

Pagsasamang hindi mawari kung guro ba talaga o isa din tayong mag – aaral dahil sa kakulitan at kaguluhan natin.

Pagsasamahang hindi mahirap pakisamahan at pakibagayan.

Samahang nabuo sa movie marathon.

Samahang madalas ay may iyakan, kanchawan, asaran, bugbugan at bullyhan.

Naging masaya ako sa apat na buwang kasama kayo.

Masaya ako sa samahang meron tayo.

Laking pasasalamat ko dahil nakilala ko kayo.

Salamat, salamat dahil dumating kayo,

Salamat dahil binigyan nyo ako ng pagkakataong maging mentor nyo,

Salamat sa tiwalang ipinagkaloob nyo sa akin habang ako ay inyong kasama.

Salamat sa tiwala, tiwala na hindi ko lubos maisip ay magagawa ko pala.

Salamat!

Sa mga nakalipas na panahon, natuto ako, natuto ako kung papaano lumaban para sa iba, ngunit hindi para sa sarili ko.

Masaya ako at malaki ang naitulong ko sa inyo.

Masaya ako dahil napapasaya ko kayo,

Masaya ako dahil hindi lang bsta kaibigan ang turingan, kundi isang magkakapatid na iba iba ang lahi.

Nakakalungkot man isipin dahil sa apat na buwan na ako lagi ang nagsasabing laban lang, tuloy lang, walang susuko ah.

Ngunit ito ako, unang susuko at bibitaw.

Patawad, patawad dahil hindi ko na kayo masasamahan pa sa paglalakabay hanggang dulo,

Patawad dahil mas ninais kong manahimik keysa lumaban.

Patawad dahil ako ay lilisan na.

Lilisan ngunit hindi kayo iiwan,

Lilisan ngunit hindi kakalimutan ang samahang ating binuo.

Lilisan ngunit hindi kayo papabayaan.

Lilisan ngunit mananatili pa ding kaibigan.

Kaibigan na handang dumamay sa tuwing ika'y nalulumbay,

Kaibigan na tutulong pa din kahit wala na sa inyong tabi.

Kaibigan na sasagot agad sayo sa isang mensahe mo.

Kaibigan na hindi magsasawang makinig sa mga hinaing mo.

Kaibigan na handang maging kapatid para sayo.

Hiling ko lang ay manatiling maging matatag s lalakbayin na daan,

Daan na kung saan ay puno ng lubak at harang.

Daan na kung saan ay may iba't – ibang balakid pa ang kakaharapin.

Dumating man na hindi mo na kayanin, andito ako,

Andito ako handa pa ding dumamay sayo.

Ngayon, ngayon na ang araw kung saan ay wawakasan ko na kasama kayo,

Ngunit hindi ang samahang ating binuo.

Samahang mananatali sa aking puso.

Dala – dala ko hanggang sa pag – alis ko.

At babaunin ko saan man ako magtungo.

Salamat! Maraming salamat sa mga masasayang ala-alang ating mga pinagsaluhan.

Salamat sa tawanan, iyakan at bugbugang ating ginawa.

Salamat sa lahat aking kaibigan.

Salamat, salamat at ako ay magpapaalam na.

spoken poetryWhere stories live. Discover now