Naalala mo ba, naalala mo ba yung panahong tayong dalawa ang magkasama?
Panahong ikaw ang aking kinakapitan,
Panahong ako'y lugmok at ikaw ang nagsilbing lakas,
Lakas na walang sinuman ang nakapagbigay.
Panahong sa iyong yakap at bisig ang tanging naging sandalan.Yakap na binibigay mo ng kusa at walang pag aalinalangan,
Yakap na hindi ko hinihiling ngunit iyong binibigay.
Yakap na nanggagaling sa aking likuran.
Yakap na nagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa.
Nag - iisa sa laban.Ngunit lahat ay panandalian lang, panandalian dahil meron akong iba.
Meron akong siya.
Siya na muling bumuo sa aking pagkatao ngunit sinira ulit ng lubusan.
Siya na natutunan ko ng mahalin.
Siya na hindi ko makalimutan.At ikaw, ikaw na nagsilbing aking sandalan,
Ikaw, na nagsisimulang bumuo s durog kong pagkatao.
Ikaw na unti unting nagpapasaya sa aking kalungkutan.
Ikaw na pumapawi sa aking mga luha.Lumipas ang panahon, panahon na nagpagulo sa aking puso at isipan.
Puso na gulong gulo sa inyong DALAWA.
Isipan na punong puno ng SANA.Sana ay dalawa ang puso,
Dalawang puso dahil dalawa kayo.
Kayo na parehong bumuo s pagkatao ko.
Kayo na walang ibang inisip kundi ang kaligayahan ko.
Ngunit ang kayo ay ikaw na lang, ikaw na lang dahil siya ay may iba na.Sana ay nauna kang nakilala, nakilala noong panahong wala pa siya.
Ay hindi, mali, mali pala.
Hindi pala naunang nakilala,
Dahil noon pa lang ay kilala na kita
Nauna pala kitang nakilala keysa sakanya.
Nauna ka sakanya.Sana pala ay umamin na ako nung una,
Umamin na may nararamdaman ako para sayo.
Nararamdamang kinalimutan ko noon at aking binaon.
Nararamdaman na nanumbalik ngayon.Nanumbalik na hindi maaaring aminin,
Hindi maaaring aminin dahil magkaibigan kayo, magkaibigan kayo ng taong natutunan kong mahalin.
At ikaw na may hinahangaan na.
Hinahangaan ng iba, iba at ang matalik kong kaibigan pa.Ang dating kayo ay naging ikaw na lang.
At ang ikaw ay wala na.
Wala na ngunit magsisilbing iyong kaibigan.
Kaibigan na iyo pa ding matatakbuhan.At ako, ako na punong puno ng masasayang kulay ay tila napalitan na,
Napalitan na ng kulay ng kalungkutan,
Kulay na ayaw ng karamihan.
Kulay na kinakatakutan ng lahat.
Kulay na pinipilit kong linawagan.Sana noon pa, sana noon pa ay umamin na.
Sana lang.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.