Mahal kita, mahal kita simula pa nung una.
Mahal kita kung ano ka man, mahal kita simula ulo hanggang paa.Mahal ko ang kaartehan mo, kahit nakakainis,
Mahal ko ang kamalditahan mo, kahit lagi mo akong inaaway,
Mahal ko pagiging feeler mo, kahit totoo naman talaga,
Mahal ko pagiging tamad mo, kahit ang pangit tignan.
Mahal ko ang matinis mong boses, kahit ang sakit sa tenga,
Mahal ko ang flaws mo, flaws mo na minsan ay wala na sa lugar at hindi na tama.
Mahal ko ang isang tulad mo, dahil ikaw yan at nag iisa ka lang ganyan.Sa sobrang pagmamahal ko sayo, sa pag aalala sayo, nakalimutan ko sarili ko.
Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko sayo,
Sarili ko na walang ibang hinangad kundi ang intindihin at mahalin ka.
Sarili ko na hindi napagod at nagawang sukuan ang ugaling aking minahal.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.