Kung Ako Ba Siya?

94 4 11
                                    

"kung ako ba siya, mapapansin mo??
Kung ako ba siya, mamahalin mo??
Ano bang meron siya, na wala ako???
Kung ako ba siya, iibigin mo"
Kantang paulit ulit kong pina pakinggan sa tuwing ikaw ang iniisip.
Teka, teka! Lutang na naman ako, nasa cloud nine na naman ako.
Ito na naman ako, humaling na humaling sayo.

Habang ikaw ay pinagmamasadan, ay tila nabibighani ako sa iyong kagandahan.
Kagandahan na mula labas hanggang loob ng iyong pagkatao.
Mga mata na nangungusap sa akin,
Mga labing nagsasabing masaya ka,
Bawat titig at ngiti na nagpapalusaw sa aking damdamin,
At ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata na nagpapadurog sa aking puso.

Umiiyak ka naman, umiiyak ka ng dahil sa kanya at ito ako handang umalalay at damayan ka bilang kaibigan mo.
Kaibigan mo na lihim na nagmamahal sayo.
Minsan ay napapaisip ako, na sa dinami dami ng tao, bakit ikaw pa? Ikaw na kaibigan lang ang tingin sa akin.

Ano bang meron siya? Ano bang nakita mo sakanya at nagkakaganyan ka?
Minsan ay hinihiling ko na, sana ako na lang siya,
Siya na kaya mong ipaglaban, mahalin at tiisin ang lahat ng sakit na iyong nadarama.

Napaka swerte niya dahil merong tulad mo na tinanggap ang lahat-lahat sakanya, samantalang siya ay nagpapakasaya sa iba.
At ako na nangangarap na maging siya.
Maging siya at ang katotohanan na isang kaibigan at anino lang ako sayo.
Kaibigan na iyong karamay sa lahat ng bagay.
Anino mo na magsisilibing taga pagtanggol at proteksyon mo.

Siguro, kung ako nga siya ay baka sakaling iyong mapansin,
Mapansin na may totoong nagmamahal sa iyo,
Baka sakaling iyong mahalin,
Mahalin tulad ng pagmamahal mo sakanya na buong buo at walang itinira sa sarili.

Sana, sana ako na lang siya.
Ako na lang upang hindi ka na mahirapan pa at danasin ang sakit na aking nakikita sa iyong mga mata.
Ako na mamahalin at hinding hindi ka papaiyakin.
Ako na handang isakripisyo ang lahat para sa iyo.
Ngunit hindi ako siya at patuloy na nangangarap na sana ay ako na lang siya.

spoken poetryWhere stories live. Discover now