Aaminin ko na, aaminin ko na ang matagal ko ng nililihim.
Aaminin sa tatlong bahagi ng aking kwento,
Kwento na bukod tanging ako at ako lang ang nakakaalam.
At ngayon ay sisimulan ko na,
Sisimulan ko na noong panahong tayo ay nagkakilala.Una ay nagkakangitian, nagtatawanan at nagkukulitan tayo.
Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa mala anghel mong ngiti na siyang naging dahilan ng bilis ng tibok ng aking puso.Pangalawa ay, ang mga panahon na mas napalapit ako sayo,
Napalapit dahil mas unti-unti na kitang nakikilala.
Hindi ko alintana ang pagod kapag ikaw ang kasama at kausap,
Makita lang kita lahat napapawi mo na.Pangatlo ay ang panahong wala akong matakbuhan sa oras ng aking kagipitan,
Kagipitan na nagtulak sa akin na pabayaan ang aking sarili,
Ngunit dumating ka, dumating ka at hindi ako iniwan.
Walang araw na hindi mo pinaramdam sa akin na ako ay mag-isa, mag-isa sa laban na ito,
Laban na alam kong ako ang talo,
At naging dahilan ng mas pag lalim kong nararamdaman sayo.Mahal na pala kita, mahal na pala kita ng hindi ko man lang namamalayan ngunit may mahal ka ng iba.
Iba na kailan man ay hindi magiging ako.
Sa tuwing nakikita kitang masaya kasama siya ay may kirot sa aking dibdib.
Kirot na pilit kong itinatago dahil masaya ka na,
Masaya ka na sakanya.At ngayong ako ay malayo na ay tuluyan ka ng ipapaubaya sa taong iyong minamahal,
Minamahal ng lubusan at tanging nagpapaligaya sa iyong malungkot na araw.
Hiling ko lang ay alagaan, mahalin at huwag ka niyang sasaktan.
Siguro ay huli na nga, huli na para umamin.
Umamin na mahal kita.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.