Batang Musmos

132 5 0
                                    


Nakilala mo siyang walang muwang,

ikaw ang naging sandalan,


ikaw ang naging gabay sa mundong ginagalawan


kung saan pinakita mo lahat ng bagay na imposible ay maaring maging posible


ngunit habang papatagal, ika'y nagbago.


nagbago sa paraan na hindi pa siya handa.


hindi pa handang isubo lahat ng bagay na isinubo mo.


mga bagay na kay hirap para sa kanya, ngunit napakadali sayo.


Bakit napakadali sa iyo ang magbago??


magbago na para bang ganun kadali?


dahil ba sawa ka na? may bago na?


may nagpapasaya na?


hindi na ba ako? ako na noon ay walang ka muwang muwang,


at tinuruan mong maging matibay,


ngunit hindi pa ganoon katibay, bigla kang nagbago.


sino ba ang nagbago? ako ba o ikaw??


ako na walang ginawa kundi ang mahalin ka, intindihin ka.


ikaw na hanggang sa simula lang?

spoken poetryWhere stories live. Discover now