Ikaw

75 3 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa ikaw.
Ikaw na siyang nagbigay kulay sa malungkot kong buhay,
Ikaw na palaging andyan sa tuwing ako'y may problema,
Ikaw na hindi ako iniwan sa panahong ako'y bagsak na bagsak na sa pisikal at emosyonal.
Ikaw na naging sandalan ko.

Tila, ako'y nasanay na ikaw ay andyan sa aking tabi,
Hinahanap, minamasdan, tinititigan at sinusulyapan.
Wari ay hindi ka na maalis sa aking paningin.
Paningin na kapag nakita ka na ay
bumibilis ang tibok ng aking dibdib,
Ngumingiti ng kusa ang mga labi,
Nagagalak sa tuwa ang mga mata.

Ano ito? Ano nga ba ito?
Hindi maintindihan.
Hindi ko maintindihan ang tibok ng aking dibdib,
Tibok na gustong kumawala,
Kumawala sa galak at sayang nadarama sa tuwing ika'y nakikita.
Gusto na ba kita?  Mahal na ba kita?

Lumipas ang mga araw, mas lalong nanaig ang aking nadarama sa tuwing ika'y kasama.
Nadaramang mas naintindihan ko na.
Gusto pala kita, gusto kita simula pa nung una.

Gusto kita sa bawat pagyakap mo,
Gusto kita sa bawat patingin mo,
Gusto kita sa bawat ngiti mo,
Gusto kita hindi lang sa panlabas na anyo, kundi dahil sa buong pagkatao mo.
Gusto ko ang lahat sayo.

At ikaw, ikaw ang dahilan ng lahat na ito.
Ikaw na nagbigay kahulugan sa madilim kong mundo,
Ikaw na bumuo sa durog kong puso.
Ikaw, ikaw lang pala ang hanap ng pusong ito.
Ikaw na muling bubuo sa wasak kong pagkatao.

spoken poetryWhere stories live. Discover now