Tatlong Buwan

121 4 0
                                    

Tatlong buwan, tatlong buwang pinagsamahan,

Pinagsamahang nabuo sa apat na sulok ng silid na ito.

Pinagsamahang nabuo ng tampo, kulit, galit, at saya.

Tatlong buwang punong puno ng ala-ala.

Mga ala-alang panandalian, ngunit nagbigay kulay sa aking buhay.

Mga ala-alang tila nagsisimula pa lang, ngunit kailangan ng wakasan.

Wakasan dahil kailangan ng lumisan.

Lumisan sa hindi inaasahang pagkakataon,

Pagkakataong hindi na maibabalik pa ng kahapon.

Kahapon, kahapon na puno ng masasayang sandali, aral at ala-ala.

Kahapon na puno ng tawanan.

Salamat! Salamat sa maiksing panahong ating pinagsamahan.

Salamat sa ala-alang inyong naiambag sa aking paglalakbay.

Salamat sa pagmamahal at arugang inyong ginawa nung ako ay nalulumbay.

Salamat dahil ginawa niyong makabuluhan ang aking buhay sa maiksing panahong ating pagsasama.

Salamat sa pagpaparamdam na ako ang inyong pangalawang ina.

Salamat virtuosity.

Ngunit kailangan kong humingi ng tawad.

Patawad, patawad dahil hindi ko na maipagpapatuloy ang aking nasimulan.

Patawad dahil hindi ko na masusubaybayan pa ang inyong makakamit.

Patawad dahil ako ay hanggang dito na lang.

Hanggang dito na lang, dahil ako ay lilisan na.

Ang tanging hiling ko lang ay ipagpatuloy nyo ang inyong nasimulan ng puno ng kagalakan at walang halong paglulumbay.

Hiling na sana ay maintindihan ang aking paglisan.

Hiling na mahalin din tulad ng pagmamahal sa akin ang papalit.

Hiling na isasapuso ko hanggang sa magkita tayo muli.

Masaya ako, masaya ako sa tatlong buwang nating pagsasama.

Masaya akong lilisan at walang halong kalungkutan,

At kayo ay mananatili,

mananatali sa aking puso at isipan.

Hanggang sa muli nating pagkikita, patawad mga bebe, salamat sa lahat at paalam na.

spoken poetryWhere stories live. Discover now