Sampung araw na ang nakakalipas,
Simula ng ikaw ay kumalas.
At siyam na araw ng pinag iisipan,
Kung itutuloy pa ba o isusuko na.Walo, walong beses kong paulit-ulit
Itinanong sayo kung mahal mo ba ako,
At pitong beses mo akong sinagot ng
Hindi mo alam.Anim na oras na ang dumaan,
Palubog na naman ang araw,
Dumidilim na ang paligid
At sa bawat segundo ay limang butil,
Limang butil ng pawis ang tumatagaktaksa akin.Ngayon ay may apat na salita akong bibitawan
Mga salita na mahirap bitawan.
"paalam na mahal ko"
Masakit ngunit kailangan
Dahil ito ang iyong ninanais."I love you" tatlong salita,
Na nagbigay ngiti sa aking mga labi
At binuo nating dalawa ng
Masaya at walang pangamba.Ang dating tayo,
Nagyon ay ako na lang, ako na lang at
Wala ng ikaw,
Ikaw na nagsilbing lakas at inspirasyon ko.Ngayon ito ako, mag-isa.
Mag-isa ng naglalakbay pabalik,
Pabalik sa simula,
Sa simula na wala ng ikaw.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poesíaito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.