Sadyang mapag laro ang tadhana,
Kung sino yung taong tapat at tunay na nagmanahalan ay tila hindi naaayon sa panahon at oras,
Panahon na biglaan dumating
At oras na hindi na maibabalik ang kahapon o mapapabilis pa ang kasalukuyan.Ito ang ating kwento, kwento na kung saan ay pareho nating pinigilan ang ating nararamdaman.
Naalala mo ba? Naalala mo ba ang mga panahon na tila ay nag aasaran lang tayo, nag-aaway ngunit masayang magkasama.
Mga araw na kapag may tampuhan ay mabilis na nasusulusyunan,
Mga panahon na suportado natin ang desisyon at gusto ng bawat isa.Nakakatuwang isipin na tropa lang tayo ngunit ang nararamdaman natin sa bawat isa ay higit na, higit na sa mag tropa.
Nakakaramdam na ng selos, tampo, inis at paglalambing.Lumipas ang mga araw, tila pareho na tayong nahuhulog,
Nahuhulog sa bitag na hindi dapat.
Hindi dapat dahil madaming masasaktan.
Pinilit nating pigilan, iwasan, hanggang sa nauwi sa sakitan.
Sa sakitan kung saan ay wala namang dahilan.Nagdaan ang mga araw ng hindi tayo nag usap, nag isip, nag alala, umaasa na baka sakaling maayos pa.
Baka maayos pa.
Maayos pa at mapagpa tuloy ang naudlot na pagmamahalan
Pagmamahalan na kung saan ay parehong tayong masaya.Masaya dahil tanggap natin ang bawat isa, mahal natin ang pagiging siraulo ng bawat isa.
Nakakatawa no? Kasi biruin mo, dalawang tao na napaka salungat ng ugali ay tila magkakasundo at mauuwi sa pag-iibigan at pagmamahalan,
Pagmamahalan na kung saan ay ngayon ko lang nakita.
Pagmamahalan na tila tatanggapin ng buong buo ang pagkatao mo.
Pagmamahalan na magsisimula pa lang ngunit kailangan ng wakasan.Ngayon gabi ay napagdesisyunan na natin, napagdesisyunan natin na itigil na ang ating ugnayan,
Itigil ang nararamdaman sa bawat isa para sa nakakarami.
At manatiling magkaibigan na lamang.Nakakatawang tadhana, bakit pa nga ba pinagtagpo kung hindi din naman itinadhana?
Ipinaranas ng saglitan ang kaligayahan.
Kaligayahan na hindi na makikita sa iba.Napaka daya mo naman tadhana, bakit ngayon ka pa naglaro? Bakit ngayon pa kung kailan nahanap ko na ang taong mamahalin at tatanggapin ako ng lubos??
Ang taong susuportahan ako sa bawat hakbang na aking gagawin,
Taong pagbabawalan ako sa mga bagay na makaka sama sa akin.
Taong aawayin ako ngunit lalambingin din agad.
Bakit ngayon pa??
Ngayon pang hindi dapat.Sana tadhana, sana.
Sa pagtatagpo naming muli ay pwede na.
Pwede ng ituloy ang naudlot naming pagmamahalan ng wala ng iniisip na kung sino man.
At sana sa pagdating na yun ay pareho pa din ang ating nararamdaman.Nararamdaman na,
Ako ay tanging sayo lang,
At ikaw ay akin lamang.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.