Bakit nga ba kailangan pang umalis???
Hindi naba maaaring ayusin?
Ayusin ang maliit na gusot na hindi inakalang lalaki.Tila kagabi ay napakasaya pa natin, nagpapalitan ng matatamis na salita, inaalala ang bawat isa.
Ngunit bakit sa isang iglap ay nawala lahat??
Lahat ng meron tayo,
Tayo na hindi maipaliwag sa kadalihanang iyon ang ating kaligayahan.
Kaligayahan na natuldukan sa hindi inaasahan pagkakataon.
Pagkakataon na hindi na maibabalik pa ng kahapon.Patawad, patawad dahil nagpadala ako sa takot na aking nadarama,
Takot na baka bumalik ka sakanya.
Takot na dala ng aking nakaraan.
Takot na nung mabalitaan kong ayos na kayo ay tila naramdaman ko ang paglayo mo.
Paglayo mo na hindi ko binanggit sayo.Bawat salita na aking binibitawan ay tila aking iniingatan at wag na ikaw ay masaktan,
Dahil ang tanging iniisip ko lang ay ang iyong kaligayahan.
Kaligayahan na kahit hindi sa akin, ay ipauubaya ko ng lubos makita ka lang masaya.Gusto kong lumaban, gusto kong ituloy, ngunit paano pa ba ipagpapatuloy kung ikaw na mismo ang sumuko??
Sumuko sa laban na ating sisimulan pa lang.
Sa laban na kung saan ay handa na akong ipaglaban ka.
Sa laban na kung saan ay tataya ulit ako.
Tataya ako at mamahalin ka ng lubos.
YOU ARE READING
spoken poetry
Poetryito ay pawang aking saloobin na kung saan ay inilalahad ko ang aking nararamdaman.