Chapter 5: Black, White and Gray

7.1K 160 7
                                    

★Natel★

He's wearing a gray plain v-neck shirt with gray pants and gray shoes. Ang astig ng suot niya. Ang gwapo niya. Nakakalaglag panga.

Nagising ang aking diwa nung tumingin siya sa akin. Wah! Pwede na ba akong mamatay? Tinititigan ako ng isang gwapong nilalang. Mukhang namumula ako ngayon ah! 

Teka lang, bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bakit ako natatameme sa kanya? Tsk. Sino ba naman kase ang hindi matatameme kapag nakakita ka ng isang gwapo.

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at agad kong tinignan si Leiyan. Nakatingin din siya sa akin. Huh! Nakita ba niya akong nakatitig kay Archie kanina? Baka isipin pa niyang crush ko si Archie?

Lumapit si Archie sa kinauupuan ko. Syempre magkatabi kayo. Assuming lang bhes

"Hi Natel!. Goodmorning, mukhang namumula ka ata ah may sakit ka ba?," tanong niya sa akin

Sana di niya mahalata na kinikilig ako sa kagwapuhan niya.

"Ah. Wala a-kong sa-sakit. Mainit lang siguro," matipid na sagot ko. Nakaahiya. Pautal-utal pa akong sumagot.

"I like your black outfit. You remind me of someone," banggit niya sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabi niyang 'I like your black outfit' o malulungkot dahil sa sinabi niyang 'You remind me of someone' .

Sino yung sinasabi niyang you remind me of someone? Sino yung naaalala niya sa akin? Yung Aeron? Sino ba kasi yun? Sino ba kasi yang Aeron na yan? Magkamukha ba kami? Magkasingtangkad? Magkaugali? Same ng taste?  Hay nako ang daming gumugulo sa isipan ko.

Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Archie. Umupo na siya sa aking tabi. Ilang saglit pa lamang ang nakalipas pumasok na kaagad si Mrs. Peres (adviser namin).

Agad na nagtilian yung mga babae. Hala ano yun. Kinikilig sila kay maam?. Tinignan ko kung ano yung tinitilian nila.May kasama si maam na nakawhite, nakawhite shirt, white pants, white shoes,. Akala ko anghel. Demonyo pala

Sino yung tinutukoy ko? Alam niyo na. Yung humarang sa akin sa bookstore kahapon. Yung tinadyakan ko sa paa.

"Ok class, starting today, Mr. Devin Jay Mathews will be your classmate," sabi ni Mrs. Perez

Parang abot hanggang langit yung mga ngiti ng aking mga classmates nung narinig nila yung announcement ni maam. Kung natutuwa sila, ako HINDI. Nabubwisit pa rin ako sa ginawa niya sa akin kahapon.

"May vacant pa bang upuan?" tanong ni maam

"Maam dito po sa tabi ko," sabi ni  Leiyan

"Ah maam ako na lang po yung uupo sa tabi ng kambal ko. Tska mas maganda yung view kapag si Devin na lang po dito," banggit ni Kean

"Mr. Salvador anong view yung sinasabi mo?," nagtatakang tanong ni maam

"Ah! Black, White and Gray maam," sagot ni Kean

Yung upuan ko kasi nasa pagitan nina Kean at Archie. So kung lilipat ng upuan si Kean, ibig sabihin makakatabi ko yang Devin na yan. Huwag naman sanang pumayag si maam.

"Ok Mr. Salvador. Mr. Mathews is it ok for you if you will going to sit beside Mr. Rodriguez.?," tanong ni maam kay Devin

"Yes ma'am, but is it ok for him if we were seatmates.?," tanong naman niya kay maam

Hala! Bakit ako? May problema nga ba pag magiging seatmates kami? Agad akong nagsalita.

"Ma'am its ok," matipid na sagot ko. Ok nga lang ba? Parang hindi.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon