★Devin★
"No, you're not brothers," sabi ni Dad. Agad akong natigilan sa sinabi niya.
"Ano?" gulat na tanong ko. Anong ibig niyang sabihin? Hindi kami magkapatid ni Aeron? Anong palabas ito? Na gawa-gawa lang ni Dad na anak niya si Aeron? Sobrang gulo.
"You're not brothers dahil hindi ka tunay na Mathews, Devin," paliwanag ni Dad. Lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi ni Dad. Kung ganon? Ampon lang ako? Pero bakit? Bakit nila ito itinago sa akin. Labing siyam na taon nilang tinago ang pagkatao ko.
"Devin, I'm sorry kung itinago namin sa iyo ang totoo mong pagkatao," umiiyak na sabi ni Mom.
"Damn it, I almost killed myself dahil ang akala ko, kapatid ko ang taong mahal ko. Bakit hindi niyo pa sinabi sa akin kanina," sigaw ko sa kanila. Lahat sila nagulat sa aking sinabi. Muntik ko ng pinatay ang aking sarili dahil ang buong akala ko ay kapatid ko si Aeron. Buti na lang at tumawag siya. Buti na lang at nakapag-isip pa ako ng matino.
"Paano ako napunta sa puder ng mga Mathews?" tanong ko sa kanilang lahat. Gusto kong malaman ang lahat.
"Binenta ka sa amin ng tunay mong ama para isalba ang kumpanya niya," sagot sa akin ni Dad. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Anong akala nila sa akin? Gamit ng pwedeng ibenta? Pakiramdam ko parang wala akong kwenta dahil sa mga narinig ko.
"Noong ipinanganak kayo, namatay ang nanay niyo. May kakambal ka. Pabagsak na noon ang kumpanya ng iyong ama kaya naisipan niyang ibenta sa amin ang isa sa mga kambal at ikaw yon. Kinailangan ka niyang ibenta dahil wala ng paraan para maisalba ang kumpanya niya. Baon na siya sa utang noon kaya kinailangan niya ng pera" paliwanag ni Dad.
"Sino ang tunay kong ama?" umiiyak na tanong ko sa kanila. Gusto kong malaman. Gusto kong tanungin kung bakit niya ako ibenenta ng ganon na lang. Gusto kong malaman kung bakit mas pinili niyang isalba ang kumpanya niya kaysa sa akin.
"Wala ako sa lugar para sabihin yan Devin," sabi sa akin ni Dad. Wala sa lugar? Eh kailang ko mamalaman? Sobrang nalilito na ako. Gusto ko ng malaman ang totoo.
"Dad please. Sabihin mo na, hirap na hirap na akong ipasok sa aking utak ang mga nangyayari," pagmamakaawa ko kay Dad. Sino ba talaga ako?
"Ano ba Dad, karapatan kong malaman ang totoo kong ama kaya sabihin mo na," galit na sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya napasigaw na ako. Naghahalo na ag bawat emosyon sa aking utak.
"Ako. I am your real father Devin," sabi ng isang pamilyar na boses. Agad akong napatingin sa mga tao. Lahat sila ay nakatingin kay Tito Axel. Kita ko sa kanyang mata ang luhang pumapatak. Lumapit siya sa akin. Bigla siyang kumuhod sa aking harapan. Bumuhos na ang kaniyang nga luha.
"Anak, patawad," sabi niya. Doon na mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Siya ang tunay kong ama? Ang taong tinatakbuhan ko koon kapag napagalitan ako ni Dad. Ang tatay ng isa sa dati kong matalik na kaibigan. Siya pala ang aking tunay na ama.
Ibig sabihin kakambal ko si Archie. Kaya pala marami na ang nagsabi na magkamukha kami. Pati na rin si Aeron noon, minsan niya na ring sinabi. Ang taong dati kong naging kaibigan na ngayon ay siyang aking kaaway ay kakambal ko pala.
Napahawak si Tito Axel sa aking tuhod. Agad naman akong gumalaw paatras para maalis ang pagkakahawak niya.
"Devin, anak. I'm sorry," humahagulgol na sabi niya.
"Anak? Tinawag mo akong anak?," sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Devin, ama mo siya kaya huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan," sigaw ni Dad sa akin.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Roman pour AdolescentsMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...