★Aeron★
Alam kong sumobra na ako. Sobra na ang pasakit na binibigay ko sa kanya. Sobra na dahil hindi lang isa ang nasasaktan ko. Nasasaktan ko na rin si Gino. Alam kong mahal niya ako. Sobrang selfish ko dahil dinamay ko siya sa gulo. Sobrang sama ko dahil ang dami ng nadadamay sa gulong ito.
Wala kaming imikan ni Gino habang naglalakad kami paalis ng building namin. Bakas kanina ang pagkagulat noong tinawag ko siyang 'Babe'. Wala na akong choice kanina kung hindi iparinig kay Devin na wala na talaga kaming pag-asa.
Masakit rin sa akin na saktan ang taong pinakamamahal ko. Masakit pero iyon ang nararapat dahil iyon lang ang paraan para walang mapahamak.
Habang paalis kami ng buliding namin ay nakasalubong namin si Anne.
"OMG. Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko para makipag-usap sa malanding tulad niya.
"You know what, I have something to tell you," sabi niya sa akin.
"Pake ko," sarkastikong sagot ko.
"Kahit wala kang pakialam, sasabihin ko pa rin," sabi niya sa akin.
Bobo, edi sana sinabi mo na lang. Humingi ka pa ng permisyon.
"Ang sarap ng labi ni Devin kanina. Ang lambot," sabi niya sa akin. Biglang uminit ang ulo ko. Kalandian.
"Ang tigas rin pala ng mukha mo noh? Pagkatapos ni Archie, si Devin naman. Baka gusto mo ring isunod si Gino. Ganon mo ba ako ka-idol at lahat ng gusti ko ginugusto mo rin?" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang gulat na reaksiyon ni Gino.
"Hahaha... Ikaw idol ko?"...
"Correction alam kong gusto mo si Archie pero never ko siyang nagustuhan. Perhaps I just used him to hurt you. Si Devin, let's say na nakilala ko na siya bago mo pa naman siya nakilala noon. Hahaha. Nakakatuwa lang dahil bata pa lang ay nangako na siyang pakakasalan niya ako," sabi niya sa akin.
"So, yan yung pinanghahawakan mo? Yung pangako niya sa iyo noon? Baka nakakalimutan mo, iba yung noon at ngayon," sarkastikong sagot ko sa kanya. Kita ko ang inis sa mukha niya.
"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka niya nagustuhan e bakla ka lang naman," inis na saigaw niya sa akin. Ikaw yung nanguna tapos ikaw pa yung napipikon?
"Sana nainform ka man lang na ayaw ng lalaki ang gaya mong malandi," sagot ko sa kanya.
"Eh, sino sa atin yung malandi ngayon? Sa lagay mong yang Aeron wala kang kalandian? Wow ha dalawang lalake pinagsabay mo? Hanep ka ha," nakangising sagot niya. Hindi ako nakaimik ng dahil sa sinabi niya.
"Anne stop" sabi ni Gino.
"And why shoul I stop? And you Gino. You're just letting yourself being used by this gay? You're so unbelievable," natatawang sabi ni Anne. Natamaan naman ako sa sinabi niya. Ginagamit ko si Gino.
"Enough," sabi ni Gino.
"Uh! Never mind. By the way Aeron, condolence pala sa relasyon niyo ni Devin ah. Hahahah," tumatawang banggit niya pa at saka umalis.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Gino. Nakakaramdam ako ng guilt dahil sa mga sinabi ni Anne.
Malandi na ba ako?
Mayroon pa kaming afternoon class pero hindi na kami pumasok. Bigla kong naalala yung mukha ni Devin kanina nung sinabi ni Gino na kami na. Kita ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Kita ko sa kaniyang mga mata ang sakit.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...