Chapter 44: Can't Touch You

3.2K 99 32
                                    

★Devin★

Pagmulat ko ng aking mga mata, puti ang aking nakikita. Alam kong hindi ko ito kwarto. Sobrang sakit ng katawan ko at higit sa lahat, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko dahil na rin sa mga nangyari.

Inilibot ko ang aking paningin at doon ko napagtanto na nasa hospital pala ako.

"O, bro, gising ka na pala. Kamusta na yang pakiramdam mo," sabi ni Kean. Pinilit kong bumangon pero nahihirapan pa rin ako dahil sa sakit nainiinda ng aking mga paa.

"Bakit, ilang araw na ba akong walang malay?" tanong ko sa kanya.

"Almost two days," sagot naman niya.

"Si Aeron, nasaan siya?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang natigilan.

"Ha? Ano yung tinatanong mo?" pag-uulit niya.

"Tinatanong ko kung nasaan si Aeron," pag-uulit ko. Hindi siya sumagot sa aking tanong kaya lalo akong kinabahan.

"Nasaan si Aeron?" tanong kong muli.

"Ah, ano, gising na siya kahapon pa," sagot niya sa akin. Hindi yung tanong ko yung sinagot niya. May problema ba? May nangyari ba sa taong mahal ko.

"Yung tanong ko ang sagutin mo, nasaan si Aeron?" naiinis na tanong ko. Mahirap bang sagutin yung tanong ko?

"Ah, nasa ano..."

"Ano, nasaan siya," sigaw ko sa kanya.

"Inilipat siya kanina sa clinic ni Dad," sagot naman niya. Natigilan ako sa kanyan sinagot. Bakit nasa clinic ni Tito Kevin si Aeron? Kean's Dad is a Psychologist. Ano ba kasing nangyari kay Aeron?

"It's not what you think Devin. Hindi baliw si Aeron. Nagkaroon siya ng trauma sa nangyari sa kanya. Bigla na lang siyang nagugulat at umiiyak kapag may humahawak sa kanya. Bakit ano ba kasi ang nangyari?" tanong niya sa akin. Biglang pumatak ang aking luha dahil sa kanyang paliwanag. Sobrang naguiguilty ako dahil wala man lang akong ginawa para pigilan si Archie sa kanyang ginawa.

Napaka-useless kong boyfriend. Kung may nagawa lang sana ako, sana hindi siya nakakaramdam ng trauma.

"Ginahasa siya ni Archie," sabi ko kay Kean. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi.

"Ano?" gulat na tanong niya.

"Hindi ko man lang siya natulungan. Napakawalang kwenta kong boyfriend. Wala akong nagawa noon para iligtas siya. Ginagahasa siya habang ako ay nakadapa lang sa sahig. Hindi ko magawang tumayo para iligtas sana siya. Anong klase akong boyfriend," humahagul-gol na sabi ko.

"Eh gago pala siya eh. Sana hinayaan na lang ni Gino na patayin niya ang sarili niya," galit na sabi ni Kean. Gulat na gulat ako sa kanyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin? Buhay si Archie?" nagtatakang tanong ko.

"Oo, buhay siya," sagot naman niya.

"Pero, paano?" nagtatakang tanong ko.

"Nagawang barilin ni Gino ang kamay niya bago pa niya naiputok ang baril kaya hindi siya namatay," paliwanag sa akin ni Kean. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nailigtas ang kambal ko o magagalit dahil sa naging epekto ng ginawa niya kay Aeron.

Gusto kong puntahan ngayon ang taong mahal ko. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang mayakap. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil wala man lang akong nagawa.

Ang dami kong gusto pero hindi ko man lang magawa dahil sobrang sakit pa rin ng aking binti. Hindi ako makalakad. Pinipilit kong tumayo pero mas lalong sumasakit.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon