★Natel★
"Baby gising na,"-sabi ni mom
"Baby first day of school ngayon baka ma late ka. Kung hindi ka pa bumangon diyan bubuhusan na kita ng malamig na tubig,""Mom, hanggang ngayon ba ganyan ka pa rin, hay nako. Sige na nga,"sabi ko
Ano ako, bata? Bubuhusan ng tubig? Late na kasi ako natulog kagabi kakabasa ng wattpad stories.
Bumangon na ako sa kama ko. Tinignan ko yung phone ko. OMG. 7:00 am na pala. Agad akong naligo para makapagbreakfast na ko. Ewan ko ba kung anong klaseng ligo yung ginawa ko. Ten minutes lang eh. Hhaha.
First day na first day mukhang malalate ako ah. Agad agad akong nagbihis. Of course di ko makakalimutang ilagay tung glasses ko no. Bagay ko kayang maging nerd although inaasar ako ni kuya na mukha akong matanda.
Bumaba na ako sa room ko. Pagkababa ko. Nakatingin silang lahat sa akin, si mom, si kuya at si yaya. Para nga nila akong tinutunaw sa mga tingin nila eh.
"Anyare sa mga mukha niyo?"tanong ko sa kanila.
"Ehem! Late na kasi tayo," sabi naman ni kuya. "Nagpaganda ka pa di ka naman maganda," dagdag pa niya.
The hell I care. Palagi na lang niya akong inaasar. Kala mo sinong gwapo. Di joke lang. Gwapo naman si kuya eh. Demonyo lang.
"Oh! Jake, inaasar mo na naman yang kapatid mo. Tampuhin pa naman yan. Sige umalis na kayo baka malate pa kayo. Pababaunan ko nalang ng cookies tong baby ko.," nakangiting sabi ni mom sa akin.
"Ma, andaya mo. Bakit wala kong cookies.," pagmamaktol ni kuya
"Eh kasi inasar mo ko kaya akin lang yan. Tsaka hindi pa ako kumakain no kaya akin lahat yan," sabi ko sa kanya. Mukhang naaasar na naman siya. Tumayo na si kuya tapos umalis na. Hay nako.
"Oh bat ka pa nakatayo jan. Umalis na tayo baka malate pa tayo niyan," bat parang galit siya.
Tumawa na lang ako sa inasal ni kuya. K.dot. bye . La na akong magagawa kundi tumawa na lang
Ganito kami lagi ni kuya. Asaran tapos tampuhan then bati nanaman. Ewan ko na kung bakit kami ganito. Lab namin yung isa't isa. Tanggap niya kung sino ako. Even my parents. Tuwang tuwa naman sila kasi nga wala silang anak na babae. Tsk. Hindi naman ako gay na gay. I can say na attracted din ako sa mga girls but 10% lang. Hahaha. Mas na aattract ako sa mga boys. I'm 18 at wala pa akong boyfriend. Hahaha single but contented ang drama ng lola niyo ah.
Sumakay ako sa kotse ni kuya. Baka magalit pa yun kapag di oa ako sumunod. Tsk. Di pa naman siya patient.
Pinaharot este pinaharurot na niya yung kotse niya. Ayan na naman po siya. Nakakabwisit siya ah. Mukhang aatakihin ako sa bilis niyang magpatakbo.
Agad naman kaming nakarating sa school, hindi naman kasi gaanong kalayo. Late na kasi kami kaya ayun dinala na lang niya yung kotse niya.
Agad naman akong bumaba. Bumaba naman agad si kuya. "oh kapag kailangan mo ako magtext ka lang. Tapos mamayang hapon, hihintayin kita.Kung kailangan mo ako tawagan mo lang ako." sabi niya sa akin
Pumasok na ako sa loob ng university na ito. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito. As if I care naman. Siguro napapangitan sila sa akin kasi nerd ako. Hay nako. Buti na lang walang appropriate na uniform dito sa school na ito.
Hinead to foot ako ng mga tao. May mali ba sa soot ko? Tanong ko sa sarili ko.
"Ang cute niya,. Ano kayang room niya," narinig kong sabi ng babae
"Oo nga no, classmate natin kaya siya?," sabi naman nung isa.What? Ansabi nila,? Cute ako,? Ngayon ko lang narinig yang salitang yan ah. Ang sarap sa ears.
Second year college student na ako. Nag aral kasi ako sa New York after kong grumaduate ng high school. Gusto ko pang manirahan doon kaso pinauwi na ako nila dad eh. Ewan ko ba sa kanila.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Ficção AdolescenteMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...