Chapter 23: The Request

5.1K 140 16
                                    

★Natel★

Nakakapanibago lang dahil nagising ako ng hindi dahil sa panaginip. Sabagay kaya siguro ako nananaginip ng mga ganoong bagay ay masyadong gabi na kapag natutulog ako. Alam niyo na kung anong dahilan. Huwag na kayong magtanong.

Nagising ako ng nakangiti. Tinignan ko ang oras, 5:00 pa lang ng umaga. May flag ceremony pala kami ngayon dahil lunes. Sino kaya yung magpeperform?

"I wanna go back to the way we used to be,"

Biglang pumasok sa isipan ko si Devin. Naaalala ko noong nagperform siya last week. He dedicated that song for his one and only true love. Pero ang gumugulo lang sa akin ay kung bakit siya nakatingin sa akin habang nagpeperform siya. Siguro naaalala na naman niya yung namatay niyang ex sa akin. Bakit kaya kamukha ko yung ex niya? Hays bakit may kamukha ako? Feeling ko tuloy hindi ako one of a kind. Charot

At dahil maaga pa, naisipan ko munang magpahangin sa aking balcony. Syempre may balcony ako. Diba Juliet lang ang peg. Speaking of Juliet, gising na kaya ang Romeo ko? Ano kaya ang itsura niya kapag tulog no? Anghel kapag gising, ano pa kaya kapag tulog?

Ang lamig ng simoy ng hangin. Ineenjoy ko ang lamig ng simoy ng hangin nang makita kong ang daming kalat na di ko mawari kung ano sa pathway. Kita mo kasi dito yung gate at pathway papuntang main door. Ang aga-aga ang kalat sa baba. Di pa ba gising sina manang.

Bumaba ako para tignan ang mga nagkalat sa pathway. Ang aga-aga sobrang kalat, sa may pathway pa. Lagot kami neto kapag nakita nina mama. Ayaw pa naman nila ng maduming bahay. Sino ba kasi yung nagkalat, hay nako.

Pagkabukas ko ng main door, yung akala kong kalat, rose petals pala. Ang aga-aga. Sino kaya ang nagkalat ng mga petals na ito? Gusto ko sanang mag-expect na para sa akin ang rose petals na ito pero naalala ko yung ginawa ko kay kuya kagabi. Baka gumaganti lang siya sa akin. Masyado ba akong advance mag-isip? Sorry ayokong umasa.

Pumasok ako sa loob ng bahay para asarin si kuya na epic fail ang plano niya. Nagtungo ako sa kwarto niya. Akala ba niya naisahan niya ako? Kinatok ko ng kinatok yung room niya hanggang sa binuksan niya ito.

"My goodness Natel Louie Rodriguez, ang aga-aga nambubulabog ka ng tulog," inis na sabi ni kuya. Wow ang galing niya umakting ha.

"Nambubulabog? As if naman natutulog ka? In fact kanina ka pa gising," sagot ko naman sa kanya. Anong akala niya, mauuto niya ako. Hell no!

"Kanina pa gising? Anong pinagsasabi mo? Kagigising ko lang," inis na namang sagot niya.

"Nandito ako para sabihin sa iyo na epic ang prank mo sa akin. Anong akala mo sa akin, uto-uto, may nalalaman ka pang rose petals," sabi ko sa kanya.

"Rose petals?" nagtatakang tanong niya. Para matigil na ang pagkukunwari ng magaling kong kuya, hinila ko siya papuntang main door.

"Ayan, diba ikaw ang gumawa niyan?" tanong ko sa kanya. Biglag kumunot ang noo niya.

"Una sa lahat hindi ka kagandahan para mabigyan ng sorpresa. Pangalawa, kapatid kita at sana alam mo na allergic ako sa amoy ng rosas. Pangatlo, bakit di mo tanungin sa manliligaw mo," banggit ni kuya. Oo nga pala, allergic si kuya sa amoy ng rosas. At saka manliligaw? Hello, wala akong manliligaw, boyfriend meron. Pero imposible namang siya kasi ang aga-aga.

"Speaking of the devil," sabi niya. Devil? nandyan si Devil?

"Ano? Nasaan si Devin?" tanong ko.

"Ang sabi ko, speaking of the devil," ayun naman pala. Bakit ba kasi pumasok sa isip ko si Devin.

"Sundan mo kaya itong rose petals," sabi ni kuya.

"Ano to, may magaganap na romantic scene? Ano to movie?" sarkasrikong sabi ko.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon