★Kean★
Alam ko kung gaano kasakit. Alam ko kung gaano kahirap. Alam ko ang pakiramdam na nakikita mong may kasamang iba yung taong mahal mo. Kaya hindi ko masisisi kung bakit patuloy pa ring nasasaktan si Devin. I can't blame him for loving Aeron too much dahil nahulog rin ako sa kanya.
Aeron is not just an ordinary guy. There is something in him na makapagpapahulog ng loob mo sa kanya. Siya yung taong simple lang. Matalino, mabait, mapagmahal, at higit sa lahat maalaga hindi lang sa mga taong malapit sa kanya kundi pati na rin sa iba. One time nga nagkasakit ako noon, siya yung nag-alaga sa akin. Doon ko na realize na nafall na ako sa kanya. Kaso inilihim ko ang aking nararamdaman dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Devin dahil alam ko noong una pa lang ay gusto na ni Devin si Aeron.
Noong bumalik si Aeron, gumawa ako ng paraan para masabi ko ang nararamdaman ko sa kanya. At yung ay sa katauhan ni Mr. Unknown. Araw-araw ko siyang tinetext. Sa school araw-araw ko siyang sinusundan. Masakit dahil nakita kong naging malapit ang loob niya kay Archie. Nasabi ko nga ang nararamdaman ko pero mas lalong lumayo yung loob niya sa amin.
Naglalakad ako ngayong papuntang room namin dahil afternoon classes na. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Devin na tumatakbo habang pinupunasan niya ang kaniyang mata. I know na umiiyak na naman siya. Kailan ko kaya makikitang masaya si Devin. Patuloy pa rin siyang nasasaktan dahil sa pagmamahal na iyan. Tutuloy na sana ako sa room ng makita ko si Gino at Aeron na nakaupo at parang mayroon silang pinag-uusapan. Lumapit ako sa kinauupuan nila. Nagtago ako sa puno para hindi nila ako makita.
"Stop crying. Hindi ko gusto na nakikita kang nagkakaganito," sabi ni Gino.
"Kung pwede lang sanang hindi ako masasaktan. Pero sa oras na nakikita ko siyang umiiyak ng dahil sa akin, parang nadudurog ang puso ko," sabi ni Aeron. Nagulat ako sa sinabi niya
Ano ba ang nangyayari. Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Gino.
"Pwede bang ako na lang Aeron. Sana ako na lang," sabi niya habang umiiyak.
"Gusto ko mang mahalin ka Gino pero hindi ko kaya. Minsan iniisip ko na sana ikaw na lang ang minahal ko para hindi na ako nasasaktan ng ganito. Na sana ikaw na lang ang nilalaman ng puso ko. Na sana sa'yo lang iikot ang mundo ko. Pero Gino, I still love him. Naaalala ko man siya o hindi, malaki ang puwang niya dito sa puso ko," sabi niya. So, totoo nga, mahal niya si Devin. Pero bakit hindi pwedeng maging sila ulit? Bakit pa niya kinakailangang maging ganito pa ang lahat kung pareho lang naman ang nilalaman ng kanilang mga puso.
"Gino, I am so sorry. Alam kong nasasaktan kita..." sabi ni Aeron
"Shhh... Don't say sorry. Wala kang kasalanan. Siya ang tinitibok ng puso mo at hindi ako. Hindi mo kasalanan kung hindi mo ako mahal," sabi na man ni Gino na patuloy pa rin ang pag-iyak.
"Bakit pa kasi kailangan pang maging ganito. Masakit pero kailangan. Kailangan kong magsakripisyo. Alam kong sobra na ang pasakit na dinudulot ko sa kanya. Pero ayoko siyang mapahamak. Ayokong malagay sa peligro ang buhay niya sa kamay ng kaniyang sariling Ama," sabi ni Aeron.
Nagulat ako sa aking narinig. Akala ko ba okay na kay Tito Denzel ang lahat. Akala ko ba tanggap na niya ang lahat. Pero bakit patuloy pa rin niyang ginugulo ang buhay nila ni Aeron. Paano magagawang saktan ni Tito Denzel ang kaniyang sariling anak.
"Alam kong kaya naming maging masaya. Alam kong pwede naming ituloy ang pagmamahalan namin. Pero sa tuwing naaalala ko kung saan humatong ang relasyon namin noon, hindi ko na yata kaya pang mapalapit ang loob ko sa kanya dahil ayoko siyang masaktan," sabi ni Aeron.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...