★Natel★
Kilig. Yan ang nararamdaman ko kanina pa lang. Nangangamatis na yung mukha ko sa sobrang pula. Bakit ba kasi may pahawak-hawak ng kamay itong kasama ko eh pwede naman niyang idemo. Yung yakap niya, my gosh, baka masaksak ko yung sarili ko sa sobrang kilig. Natapos ko ng mahiwa ang lahat at ibinigay na kay Archie para maihaw na niya.
"Ikaw naman mag-ihaw," sabi niya. Ihaw? Wala akong alam jan, pwera na lang kung turuan mo ako.
"Di ko alam kung paano baka masunog ko pa," banggit ko. In any moment baka sunog pa yung kakainin namin.
"I'll teach you, gaya ng pagturo mo sa puso ko kung paano magmahal," banat niya. Tang-inis naman oh, banat siya ng banat.
"Pinagsasabi mo? Huwag ka ng bumanat, turuan mo na lang ako kung paano mag-ihaw. Hindi bagay." sabi ko. Makaasar nga.
"Oo, alam kong hindi ko bagay ang bumanat," nakasimangot na sabi niya. Pikon talo, hahaha.
"Dahil isa lang naman ang bagay sa aki eh. IKAW," banggit niya at bigla na lang ngumiti. Ok, naisahan niya ako don ah. Akala ko pa naman naasar ko na siya. Pero siya pala itomg may entry. Edi siya na, lika na uwi na, may nanalo na.
"Dalian niyo, hindi niyo ito date," sigaw ni Kean sa amin. Uh-oh nandyan na naman yung panira ng moment. Nakatingin sa amin si Devin ng masama. Anong trip noon parang nag-aapoy yung mga mata niya. Sa akin ba siya nakatingin o kay Archie. Baka naman nagseselos siya. Wait? Bakit siya magseselos? Dahil ba baka isipin niya ulit na ko si Aeron? Hay nako, bkit ba pumapasok sa isip ko yung mga ganyang bagay. Masyado na akong advance kung mag-isip.
"Loko, patapos na kami," sigaw naman ni Archie na tumatawa. Nakita ko na siyang ngumiti pero di ko pa siya nakitang tumawa. Ang cute pala niya kapag tumatawa.
"Baby, dalhin na natin ito sa kanila, mukhang gutom na sila," sabi ni Archie na siya namang ginawa namin.
They prefer to stay sa Floating Cottage. May mga cottages naman on the sea side pero mas gusto nila dito. Malaki nama itong cottage, kasya naman kaming magkaclassmates.
"Oh, bat antagal niyo. Baka naman nilagyan niyo na ng enkantasyon yan ha," sabi ni Anne. Enkantasyon? Ano kami mangkukulam?
"Tikman mo na lang mamaya, masarap yan," sabi ko na lang.
"Oo nga, tikman mo na lang yang luto namin ni baby," banggit naman ni Archie.
"BABY?" sigaw ni Anne, at napatingin lahat sila sa amin. Inakbayan nama ako ni Archie.
Mukhang ma hohotseat kami neto.
____________________________________
★Devin★
"BABY?", patanong na sigaw ni Anne. Nakita kong kausap niya si Natel at Archie. May paakbay-akbay pa siyang nalalaman. Kung sunugin ko kaya siya ng buhay.
Limingon sa paligid si Natel at nagtama ang aming mga mata. Pinilit kong huwag ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Oo, kahit ang tanging alam lang niya ay kamukha niya si Aeron. Bakit ba kasi hindi ko siya pwedeng lapitan. Ano bang problema nilang lahat, parang pinagkakaisahan nila ako.
"Kain na muna tayo," sigaw ni Prof. As usual, sila na naman yung magkatabi. Gagong to, palagi na lang naka buntot kay Natel.
Masarap yung pagkain kaso nakakawalang gana. Lalagyan na sana ni Archie ng shrimps yung plato ni Natel ng bigla akong nagsalita.
"Hindi siya kumakain ng ganyan. Allergic niya yan," sabi ko. Allergic kasi ni Aeron (Natel) ang shrimps eh. At isa pa, ayaw niya ng lasa ng shimps. Nagsitinginan silang lahat sa akin na para bang nagtatangong kung bakit alam ko. Tinignan din nila si Natel.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...