Chapter 29: GD, Aeron and Mr. Unknown

4.5K 129 27
                                    

★Jake★

Kararating lang ni Natel. Inutusan ko na siyang magbihis para tumulong sa akin mamaya sa pagluluto. Ako naman ay abala sa paglilinis ng aking kwarto. Ang gulo kasi ng kwarto ko eh. Niligpit ko lahat, tinago ko lahat. Lalong lalo na yung pictures namin dati ni Matheo.

Kamusta na kaya siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung nakita ko siya kanina. Inis na inis ako sa pagmumukha ni Archie kanina. Pero nung narinig ko yung boses niya, bumilis ang tibok ng puso ko. Gaya ng dati. Noong kami pa. Ang laki ng ipinagbago niya. Tumaba siya ng konti, pumuti, at mas lalong naging kaakit-akit.

Paano kaya kapag hindi kami naghiwalay? Kami pa rin ba hanggang ngayon? Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko noon, ni hindi ko man lang siya pinakinggan.

Flashback

Wala akong pakialam kung maaksidente man ako ngayon. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong malaman ang katotohanan.

3:30 am pa lang pero nakatanggap ako ng isang tawag mula kay Nikki. Sinabi niyang icheck ko daw ang aking messenger dahil mayroon daw akong dapag makita. Agad ko naman itong binuksan. Pagtingin ko sa message niya, may isa itong sinend na video. Hindi ko pa man ito napiplay pero kinakabahan na ako.

Pagkaplay ko ng video, kita ko ang dalawang lalaki na naghahalikan. Istorbo. Ginising pa niya ako kung porn lang naman ang isesend niya. Biglang tumayo ang lalaking nakapatong sa isa. Nagulat ako dahil sa taong nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero hanggang kailan pa. Bumuhos man ang aking mga luha pero nagmadali akong bumaba para puntahan siya.

Nandito na ako sa kaniyang condo. Na sa akin ang duplicate niya kaya hindi na ako kumatok pa. Nagmadali akong nagpunta sa room. Pagkabukas ko ay wala akong nakita kundi kadiliman. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa aking harapan sina Matheo at Bjorn na natutulog ng nakahubad. Dahil sa galit ay hinila ko si Bjorn. At pinagsusuntok. Wala akong pakialam kung makapatay man ako ngayon.

"Lexus," sabi ni Mico na nagising na. Tumayo siya. Wala siyang saplot. Tinignan niya ang kaniyang katawan.

"No, Lexus it's not what you think," sabi niya. Biglang kumulo yung dugo ko.

"Kailan pa Matheo?" galit kong tanong sa kanya. Yayakapin niya sana ako kaso itinulak ko siya.

"Katawan lang pala ang naging habol mo sa akin," galit na sigaw ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng makita ko ang picture frame sa table niya. Kinuha ko ito ay hinagis kaya ito nabasag. Tinanggal ko rin ang regalo niyang bracelet at itinapon sa basurahan niya.

End of Flashback

"Kuya, baba na. Magluluto pa tayo," sigaw ni Natel na nasa aking pintuan. Panira ng drama. Nagfa-flashback yung tao eh. At aba matindi, bihis na bihis kala mo may engrandeng handaan.

Dinalian ko na ang pagliligpit para tulungan si Natel. Siguro nagtataka kayo kung bakit siya yung nagluluto. Well, may mga maids kami kaso mas gusto ko pa rin yung luto ng kapatid ko. Nag culinary arts na lang sana siya kaysa sa engineering. Pang professinal kasi ang cooking techniques niya eh.

Ayaw ko sana siyang samahan sa pagluluto kaso nagpumilit. Pinakiusapan ko na yung mga maids namin na ayusin at linisan nila yung garden kasi doon kami kakain mamaya. Baka may magtatanong sa inyo kung bakit hindi sa pool area? Wala kaming pool. Instead kasi na swimming pool eh, nagpalagay na lang kami ng garden. Ayaw kasi naming mangyari pa yung nangyari sa kanya noong bata pa siya.

Nasa Ilocos kasi kami non. Nagbakasyon kasi sina Dad at Aeron noon. Inutusan ako ni Dad na bantayan muna siya. Patakbo-takbo siya sa may gilid ng pool (7-feet) ng bigla siyang nadulas. Bigla akong nataranta. Hindi rin kasi ako marunong lumangoy eh. Hanggang sa may isang batang tumalon sa may pool para saklolohan ang kapatid ko. Umiiyak, si Natel noong nai-ahon na siya sa pool. Napagalitan pa ako kay Dad dahil hindi ko daw tinitignan yung kapatid ko.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon