★Natel★
Nagising ako dahil sa tindi ng sikat ng araw. Late na pala akong natulog kagabi dahil kasama ko si Archie. Tinititigan ko ang kisame habang inaalala ang mga nangyari kagabi, yung pag-amin ni Archie at higit sa lahat, yung text ni Mr. Unknown
From Mr. Unknown:
I love you kahit pa may mahal ka ng iba. Mamahalin pa rin kita habang buhay.Ewan ko ba kung bakit siya nagtext ng ganyan. Nakakakaba, sino kaya siya.
Bumangon na ako sa aking kama at tinignan kung natutulog pa aking kasama. Pero wala siya sa kanyang higaan. Bumukas yung pinto ng room.
"Oh ano pa bang ginagawa mo diyan, bumaba ka na at ikaw na lang yung hinihintay. Gutom na kaming lahat," sabi ni Devil. Kahit kailan talaga panira ng araw itong lalaking ito. Ang ganda ng gising ko tapos sisisrain niya lang.
"Oh, magdadrama ka pa diyan, gutom na kami sabi eh," sabi niya ulit. Eh kung gutom sila pwede naman silang mauna eh.
Umalis na siya at saka naman ako sumunod. Ako na lang pala talaga ang hinihitay nila. And nandito din pala si lolo. Bat ba kasi late akong nagising. (A/n: syempre late kang natulog).
"Apo, sit beside me," sabi ni lolo. Pumunta naman ako sa tabi niya.
"Good Morning lolo," bati ko sa kanya. Nasabi na kaya niya kina papa na may sakit siya?
Sinimulan na naming kumain dahil gutom na kaming lahat. Habang kumakain kami, syempre hindi mawawala ang kwentuhan.
"Since 7:00 am na, maghanda na kayo para sa gagawin nating documentary mamaya. Dapat 9:00 am nandito na kayo. Is that clear," sabi ni Prof.
Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi ni Prof. Since matagal akong maligo, and may sarili naman akong kwarto dito sa resort, doon na lang ako maliligo. Yes po, may kwarto po ako dito sa resort, kumbaga nagpatayo din kami ng mini house namin dito sa resort.
Kinuha ko na yung mga gamit ko sa kwarto namin ni Devil at agad na nagtungo sa mini house namin dito. Pagpasok ko, nakita ko si lolo na nakaupo, kasama si kuya Jake. Seriously, bakit siya nandito?
"Bakit ka nga pala napadpad dito?" tanong ko sa kanya.
"Nagmamaldita na naman. Bakit, pinagbabawalan ba ako ng kapatid ko na dumalaw sa resort niya?" nakangiting sabi ni kuya. Anong nakain neto at nanlalambing na naman. Hay nako, para siyang babae, nakakainis dinaig niya pa ako.
"Anak ang mean mo sa kuya mo," sagot ng isang boses sa likod ko, and yes, he is papa. Seriously, anong ginagawa nila dito.
"We are here kasi pinatawag kami ng lolo mo. May sasabihin daw siya. By the way dad, ano po yon," sabi ulit ni dad. Ah baka sasabihin na ni lolo na may sakit siya. Mas mainam na malaman din nila ang pinagdadaanang sakit ni lolo.
"Nathan, I am sick," tipid na sabi ni lolo.
"Sick of what dad, sick of being alone here in Ilocos. Pwede ka naman pong tumira sa amin eh. Alam ko naman po na miss niyo na kami," banggit ni papa.
"Nathan, I am not sick of being alone. I am sick because I have a brain tumor and it's malignant. Kaya ko kayo pinatawag para sabihin sa inyo na magpapagamot ako sa NY next week." sagot ni lolo. Nagulat sila dad at kuya sa sinabi ni lolo. And yes, same reaction nung una kong narinig na may brain tumor siya. Until now hindi pa rin ako makapaniwala.
"Dad, hindi magandang biro yan.," sabi ni dad.
"Sana nga biro lang itong sakit ko pero totoo eh. Don't worry, magpapagamot ako sa NY," banggit ulit ni lolo.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Novela JuvenilMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...