★Natel★
Hindi ko inakalang may ganong side pala itong si Devil este Devin. Sino ba naman kase ang mag aakala na malalim palang magmahal ang mga kagaya niya ang nanakabilib, he fell in love with a man nakagaya niya. Gusto ko sanang tanungin yung tungkol sa kanila ni Aeron kaso di ko magawa kasi in any moment iiyak na naman siya. Sapat na yung naring ko sa rooftop, hindi ko man nakita kung anong tinititigan niya, basta ang alam ko, mahal na mahal niya yung taong yun.
Namatay daw si Aeron because of car accident. So sad naman hindi natuloy ang love story nila. Naiwan siyang nag-iisa.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko . Katatapos ko lang maligo. Heto na naman ako, walang magawa. Tutal weekend naman bukas, magbabasa na lang ko ng libro ko. Syempre alam niyo na kung anong libro.
Sa tagal ng pagbabasa, bigla akong dinalaw ng kaboringan kaya binuksan ko yung laptop ko para makapagFb. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapagpaalam kay lolo para sa field trip namin. Dali-dali kong hinanap yung account ni lolo para makaoag video call kami.
Kung sinuswerte nga naman. Nakaonline siya kaya ayun tinawagan ko na siya. Agad naman niyang sinagot
"Oh, apo, napatawag ka, may problema ba? How's my gift" nakangiting sabi ni lolo
"Lolo, thank you so much. I didn't expect na at my young age magkakaroon na ako ng ganon kadaming properties," banggit ko sa kanya
"Pambawi ko sayo yun apo. Bakit ka nga pala napatawag?,"tanong niya sa akin
"Ah, can I ask your permission if pwede kaming magstay diyan sa resort sa next week,? Field trip po kasi namin eh, tapos sinabi kong sagot ko na po yung resort," sabi ko sa kanya.
Biglang napakunot yung noo ni lolo. Oh-oh mukhang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko. Lagot ako, nagpromise pa ako sa Teacher ko.
"Bakit sa akin mo tinatanong eh manager na lang ako dito? Ikaw ang owner apo, hindi na ako, tsaka ok lang na dito kayo sa resort miss na din kita eh," banggit ni lolo
Akala ko ayaw na niya eh. Sabagay bakit naman aayaw si lolo. Hindi pa inayawan ni lolo lahat ng hinihingi kong pabor lalo na kung hindi naman makakasama sa akin. Never naging madamot si lolo. Kaya siguro ganon din si papa at pati kami ni kuya. Mayaman kami pero di kami madamot. Tumagal ang usapan namin ni lolo, nagcall-ended lang noong gusto ng matulog ni lolo.
Io-off ko na sana yung laptop ko ng biglang mag pop-up na message,
Devin Jay Mathews is waving at you.
Siyempre dinedma ko na lang, inaantok na ako eh. Hinyaan ko lang yung sarili ko na lamunin ako ng kadiliman.
________________________________
Gusto ko siyang tawagan ngayon para makipaghiwalay sa kanya, oo mahal ko siya, alam kong pareho lang kaming masasaktan kapag ipinagpatuloy pa namin ito. I have no choice but to do this.
Ayokong nakikita siyang nagdudusa ng dahil lang sa mahal niya ako. Kahit mahirap, gagawin ko ito. Yes, nakakuha na ako ng threat na kapag lalapit ako sa kanya, I will die. Yes, ganon kasama yung tatay niya. Gusto kong sabihin sa kanya pero pinagbantaan ako ng tatay niya.
Papunta ako ngayon sa condo niya para makipagbreak. Habang tinatahak ko yung daan, naiisip ko yung mga ala ala naming masasaya. Kung paano kami nagkakilala. Kung papaano siya nanligaw. Kung paano naging kami.
Biglang nawalan ako ng control sa kotse ko. I know, this will be my end. I love you so much Devs but I think, dito na magtatapos yung love story natin.
_______________________Bigla akong bumangon dahil sa panaginip na iyon. Sh*t I hate dreams about car accident. What's with that dream? Na may pupuntahan ako dahil makikipagbreak ako then naaksidente ako. Palagi na lang akong nananaginip ng kung ano-ano. Makabangon na nga.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...