Chapter 27: Devin and Aeron

4.8K 112 7
                                    

★Natel★

"Talagang pinaninindigan mo yang pagiging #tulala mo ano?" biro ni Kean sa akin. Ngiti lang ang tanging sagot ko sa kanya. Bakit kasi naging ganito. All this time niloloko niya lang ako. Sapat na yung nakita ko para sabihin kong niloloko lang niya ako. Tsk. Ang drama drama ko.

"Itigil mo na yang kakadrama mo, lalong pumapangit yang mukha mo. Bahala ka hindi ka na magugustuhan ni Devin," sabi niya sa akin. Tumawa ako sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit pinupush niya si Devin sa akin. Kahit pa humagulgol ako, hindi naman masisira ang mukha ko.

"Alam mo, ikain mo na lang yan. Hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo," sabi niya. Mula pagkaserve ng pagkain, hindi ko pa ito ginagalaw. Sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko ng dahil sa mga nakita ko eh. Kahit wala akong ganang kumain, pinilit ko na lang. Nakakahiya naman kay Kean dahil siya yung nanlibre.

"Alam mo, mas gagaan daw yang pakiramdam mo kapag kain ka ng kain. Tama yang drama, kumain ka na lang," banggit ni Kean. Nagpapasalamat ako dahil pinapagaan niya ang kalooban ko. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na gaya niya.

Magma-mall pa sana kami pero dahil wala ako sa mood, nagpahatid na lang ako sa kanya.

"Oh, baka bukas magkasinglaki na yang kamao mo at ng eyebags mo," biro ni Kean. Natawa ako sa sinabi niya. Alam kong pinapagaan lang ni Kean ang loob ko.

"Sige na umalis ka na baka matikman mo pa ang bangis ng kamao ko," sabi ko kay Kean

"Hahaha. Sige bye," paalam niya.

"Salamat. Sige ingat ka sa pagmamaneho," sabi naman sa kanya.

Pumasok na ako sa loob. Dideretso na sana ako sa taas ng madatnan ko si kuya na nanonood ng TV sa sala.

"Ang aga mo yatang umalis kaninang umaga ah," bungad sa akin ni kuya. Wala ako sa mood makipagbangayan.

"Nasaan sina Dad?" tanong ko sa kanya.

"They went to Tagaytay," sagot niya. Let me guess, business? Well, I'm not surprised. Business lang naman ng pinagkakaabalahan nila eh

"Ok," sabi ko.

"Where have you been? At bakit namamaga yang mata mo?" tanong niya sa akin. Halatang naiinis na naman siya. Hindi ko siya sinagot at dumiretso ako sa aking kwarto.

Gosh naguumpisa na namang pumatak ang aking mga luha. Hindi pa rin maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina. All this time, niloloko lang pala ako. May subuan at hawakan pang nalalaman. Bakit ganito? Ang sakit sakit. Sobra akong nasasaktan knowing na kayo pero may kasama siyang iba. Bakit niya nagawa sa akin ito? Bakit niya ako nagawang lokohin.

Hinayaan ko na lang ang aking sarili na magpahinga at umaasang paggising ko ay mawala na ang sakit na aking nadarama.

Jake

Alam kong marami na sa inyo ang nagagalit sa akin dahil sa pagiging istrikto ko kay Natel. Well, hindi niyo ako masisisi dahil na rin sa kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Ayokong maulit muli ang nga malalagim na nangyari sa buhay niya.

Hindi ko masisisi si Dad at Mom na palagi nilang iniispoil si Natel dahil wala silang alam sa totoong nangyari. Ako, saksi ako sa lahat ng mga nangyari. Hindi ko kakayanin kung masaktan muli ang kapatid ko knowing na kaya ko naman siyang protektahan. Kahit pa magalit siya sa akin wala akong pakialam basta gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya. I can't afford to lose my younger brother.

Super close kami niyan dati. Although noong bata pa kami ay nahihirapan akong makipag-usap sa kanya. Paano kasi, laking New York. Ako laking Pinas. Ikaw ba naman ang ma-english ng diretso. Pero sa totoo lang, sobrang kulit niyan.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon