SPG: May karahasan po sa kabanatang ito at kung ayaw niyo mo ng ganon, hintayin niyo na lang po ang susunod na kabanata.
____________________________________
★Aeron★
Pagmulat ko ng aking mga mata, nagulat ako dahil sa kung nasaan ako ngayon. Tila nasa isang abandonadong warehouse ako. Gusto kong gumalaw pero hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil nakatali ako sa isang upuan.
"Gising ka na pala," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Inilingon ko sa kanan ang aking ulo para makita ko kung sino ang nagsalita. Naglakad siya papunta sa aking harapan.
"Mahimbing ba ang tulog mo?" dagdag pa niya.
"Hayop ka Archie, ano itong ginagawa mo," sigaw ko sa kanya.
"Hahaha! I just want to have fun. That's it!" sagot niya sa akin. Hindi ko na makita sa kanya ang dating Archie na kilala ko.
Yung Archie na mabait. Yung Archie na sasamahan at dadamayan ka kapag may problema ka. At higit sa lahat, yung Archie na minsan ay naging crush ko.
"Archie, ano ba itong pinaggagagawa mo? Ano bang kasalanan namin sa'yo ha! Ikaw pa ba yan?" nangiyak-iyak na sabi ko sa kanya.
"Kung kasalanan lang ang pinag-uusapan, marami na kayong nagawa sa akin lalo na yung boyfriend mo," sagot niya sa akin.
"Bakit, anong kasalanan namin sa iyo ha?" tanong ko sa kanya
"Dahil hindi ko tanggap na mas pinili mo siya kaysa sa akin. Noong fourth year tayo, akala ko, ako. Ako ang mahal mo dahil palagi kitang napapangiti. Palagi kitang napapatawa. Narinig ko rin na sinabi mo kay Leiyan na crush mo ako. Tang*na umasa ako. Sa huli, hindi ka umamin sa akin. Hinihintay ko yung pag-amin mo sa akin dahil sa narinig ko noon. Pero naghintay ako sa wala. Hanggang si Devin ang umamin sa iyo. Noong nawala ang ala-ala mo, sinamatala ko ang pagkakataon para mapasakin ka at masaktan ka. Pero tang*na sa kanya ka parin babagsak. Lahat na lang inagaw niya sa akin. Inagaw ka niya sa akin. Ako dapat ang minahal mo at hindi siya," galit na sabi niya.
"Kahit kailan Archie, wala siyang inaagaw sa iyo dahil hindi naging tayo. Oo aaminin ko nagkaroon ako ng pagtingin sa iyo pero hanggang doon lang yung. Minahal kita oo, pero yun yung panahong wala akong maalala. Panahong pinagsamantalahan mo ang sakit ko. Panahong utak ko ang nagmahal sa iyo at hindi puso. Kahit anong gawin ko, hindi ko man siya naaalala, siya lang talaga ang laman ng puso ko. Archie wala siyang inagaw sa iyo," umiiyak na paliwanag ko.
"Akala mo, ikaw lang ang inagaw niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pati si Dad eh hangang-hanga kay Devin. Ako na anak niya hindi niya magawang purihin eh yung Devin na yun na kaibigan ko lang hangang-hanga siya. Ano bang meron kay Devin at lahat kayo eh mas gusto siya. Ang hirap maikumpara and the worst is ama mo pa ang magkukumpara sa iyo sa iba. Nobody loves me even my Dad," galit na sigaw niya pero ramdam ko kung saan nagmumula ang galit niya.
"Maraming nagmamahal sa iyo Archie but insecurity is killing you," sabi ko sa kanya. Bigla na lang niya akong hinawakan sa leeg. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Hahahaha! Marami? I admit, I am insecure. And this insecurity will gonna kill you," malademonyong sabi niya.
"Paparating na yung taong mahal mo. Hahahaha! Sana nakapagbigay na siya ng huling paalam sa mga magulang niya dahil hindi ko hahayaang makalabas kayo dito ng buhay. Pero bago ko gawin iyon, dadanasin niyo muna ang sakit. Hahaha!" dagdag pa niya.
"Hayop ka. Huwag mo ng idamay si Devin dito," sagot ko sa kanya.
"At bakit naman hindi. Hahaha! Nagpapatawa ka ba Aeron? Siya ang may atraso kaya pagbabayaran niya," sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Novela JuvenilMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...